Kuya Germs gusto ng lumabas ng hospital kahit hirap pang kumilos, AiAi naloka na naman sa sinabi ni Kris!
PIK: Gusto na raw lumabas ni German Moreno ng hospital at purisigidung-pursigido na raw itong gumaling.
Inilabas na siya ng Acute Stroke Unit at nakakapagsalita na raw siya ng konti. Pero hirap pa rin siyang kumilos kaya nakatutok pa rin sa kanya ang mga doktor at bawal pa rin tumanggap ng dalaw.
Itutuloy pa rin ng GMA 7 ang taping ng Walang Tulugan na hindi na muna kasali si Kuya Germs, at mga alaga niyang sina Jake Vargas, Ken Chan, at pati sina John Nite at Shalala ang maghu-host ng show.
PAK: Nasa Amerika pa si Camille Prats kaya hindi ito nakadalo sa press launch ng bagong drama series ng GMA Telebabad na Second Chances.
Nag-post si Camille sa kanyang Instagram account na tumutulong daw siya kay Isabel Oli sa pagpili ng wedding gown na isusuot.
Nung huling nakausap namin si Isabel, wala pa siyang masabing exact date ng kasal pero sa taong ito.
Hindi maiwasang matanong kay Camille ang balak na pagpapakasal ni John Prats dahil mag-iikot ito sa promo ng Second Chances na magsisimula na sa January 12.
BOOM: Totoo kayang nag-text si AiAi delas Alas kay Kris Aquino na nagpapasalamat siya sa kuwintas na bigay ng actress/TV host.
Ayaw lang sabihin sa amin ng aming source kung ano ang sagot ni Kris, pero medyo nakakaintriga raw ang reaksyon ni AiAi.
Ayon sa aming source, mukhang malabo na raw mabalik sa dati ang kanilang friendship.
Ayaw na lang magkomento ni AiAi tungkol sa pagbabati nila ni Kris. Mas mabuting huwag na lang daw i-sensationalize.
- Latest