^

PSN Showbiz

Huling pelikula sumemplang pa kilalang male personality na dating makapangyarihan sangkatutak ang utang

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malungkot na ay maligalig pa ang takbo ng buhay ng isang pamosong male personality. Totoo nga ang kasabihang weather-weather lang. Kung may panahon ng pagtatanim ay may panahon ng pag-ani. At may panahon din ng tagtuyot.

Matindi ang nangyari sa karera ng male personality, kung gaano siya kapaboloso at kamakapangyarihan nu’n ay napakapayak na ng kanyang buhay, nangawala na ang mga taong nakapalibot sa kanya na dati’y parang mga langgam na nakatanghod sa kumpol ng matamis na asukal.

Pero ang pinakamatindi ay hindi niya alam kung paano niya haharapin ang mga taong pinagkakautangan niya, sumargo ang kanyang utang nu’ng nasa posisyon pa siya, maraming nagtiwala sa kanya nu’n.

Kuwento ng aming source, “Maraming tumatawag at nagpupunta sa kanya ngayon para maningil. Sangkatutak ang pagkakautang niya, paano nga kaya niya mababayaran ang lahat ng ‘yun, e, wala naman siyang pinagkukunan ngayon?

“Nangapital pa siya sa isang project, pero wala namang nangyari, luging-lugi siya sa kinapitalan niyang pelikula dahil nangulelat sa labanan.

“May mga inutangan siyang businessmen, meron din siyang pinagkakautangang mga artista, nagkapatung-patong ang problema niya ngayon,” nahahabag na kuwento ng aming impormante.

Hindi na rin niya kasama ngayon ang mga dating amuyong niya na kung ituring ang male personality ay parang pinakamakapangyarihan nang tao sa ating bayan. Agad na silang nakaharang, pinoproteksiyunan ang lalaking personalidad, kahit anino ng mga taong ‘yun ay wala na ngayon.

“Weather-weather lang ‘yan, ‘di ba? Nasaan na ang mga amuyong niya nu’n na kahit saan siya magpunta, e, nakabuntot sa kanya? Wala na bang asukal? Wala na bang makukuha sa kanya? Nakakaawa naman siya,” sabi uli ng aming source.

Ubos!

Pamilya ni James pinakamayaman na sa Negros

Maagang namaalam sa PBA ang team ni James Yap. Malungkot ang basketbolista dahil sila nga naman ang may hawak ng kampeonato sa loob nang ilang conference, pero hindi sila sinuwerte ngayon, maaga silang namahinga sa labanan.

Pero nabiyayaan naman siya ng mahabang bakasyon, nagkaroon siya ng masarap na pagkakataong muling makauwi sa kanilang bayan (Escalante City, Negros Occidental kung saan siya lumaki), kasama niyang namalagi du’n ang kanyang girlfriend na si Michela Cazzola.

Ang staff naming si Johnny ang naging source namin sa maliligayang araw nina James at Michela sa Escalante, masayang-masaya ang mga kaibigan ng basketbolista sa kanyang pag-uwi, nakipaglaro siya ng basketball sa kanyang mga kababata.

“Ang pinagkakakitaan ng family niya du’n, e, pangingisda. Marami na silang bangka ngayon, si James ang nagbigay sa kanila. Maganda na rin ang bahay nila, pinakamalaki na sa lugar nila, ipinagawa ‘yun ni James para sa family niya.

“Nagpalaot din sila ni Mic, na-miss kasi ni James ang dagat, ‘yun ang ikinabubuhay nila, merong mga tauhan ang father niya na nangingisda araw-araw,” kuwento ng aming kasamahan sa TV5.

Pride ng Escalante si James, puring-puri ng mga tagaroon ang basketball player dahil sa kabila ng kanyang tagumpay ay hindi siya nakalilimot, hindi magkakaroon ng stiff neck ang daddy ni Bimby dahil sa pagiging humble.

Impernes kay James Yap.

ESCALANTE

ESCALANTE CITY

JAMES

JAMES YAP

MALUNGKOT

MICHELA CAZZOLA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with