Vic mabubuntis daw si Pauleen nang hindi pinakakasalan?!
Kung pagbabasehan ang maraming hula sa kanila ni Vic Sotto, mukhang walang kasalan na magaganap sa 2015 sa pagitan nila ni Pauleen Luna. Pero sinasabi ng ilang bumabasa ng mga pangyayaring darating na mabibigyan niya ng anak ang komedyante outside of marriage. Tsk. Tsk. Tsk.
Patutunayan ba ng TV host/comedian at movie producer na mali ang hula at pakasalan ang pinakahuling babae na karelasypn niya?
Xian hindi kinaya ang acting ni John Lloyd
Sayang dahil napalitan na naman si Xian Lim para sa seryeng Bridges, na mula nang tanggihan ni John Lloyd Cruz ay mukhang nahihirapang makakuha ng makakapalit niya. Hindi raw yata naibigay ng ka-loveteam ni Kim Chiu ang hinihiling ng direktor na akting kaya tinanggal siya sa serye at pinalitan ni Paulo Avelino sa bagong serye ng ABS-CBN na mapapanood sa taong ito.
Hindi naman sa hindi magaling si Xian, baka na-intimidate lamang ang aktor dahil ang role na gagampanan niya ay ang role na inayawan ni Lloydie.
Mga indie movie mamamayagpag na sa susunod na MMFF?!
Sa ipinamamalas na sigla ng ilang indie movie na sumabak sa ika-40 taon ng pagdaraos ng Metro Manila Film Festival (MMFF), hindi lamang nagbigyan ng malaking pag-asa ang mga gumagawa ng pelikula sa mainstream na muling bumangon ang industriya dahil naging malakas din ang hatak ng indie movies.
Hindi nagpahuli ang mga producer ng indie sa kanilang mga entry na Bonifacio, Ang Unang Pangulo, English Only, Please, at Kubot: The Aswang Chronicles 2 sa punto ng box-office at maging sa kuwento dahil bukas-kamay ang mga itong tinangkilik ng mga manonood. Pinakamalaking halimbawa ang English Only, Please na hanggang sa puntong ito ay humahakot pa rin ng manonood sa mga sinehan. Ang Bonifacio at Kubot naman ay magaling ang aspetong teknikal. Ang Kubot na hindi isang horror kundi adventure movie na mula sa malikhaing pag-iisip ni Erik Matti ay nagpakita ng kakaibang tanawin na lubos na tinangkilik ng mga manonood.
Kung magpapatuloy ang ganito kagandang takbo ng mga indie films na pumasa-mainstream, hindi malayong sa mga susunod na Pista ng Pelikulang Pilipino ay mga indie muli ang umarangkada at mamayani sa takilya.
Barbie at Andre matatag pa rin ang ‘relasyon’
Wagi naman ang tambalan nina Barbie Forteza at Andre Pares dahil matatag pa rin at sinusubaybayan ang kanikang The Half Sisters. Kung meron mang naapektuhan ng hindi maganda sa serye, ito’y sina Ryan Eigenmann at Thea Tolentino dahil sa sama ng roles ay talagang kinainisan ng televiewers. Pero sina Mel Martinez, Jomari Yllana, at maging ang gumanap ng role ng lola na si Carmen Soriano ay kinagiliwan ng mga manonood.
Ngayong nagkabati na ang magkapatid na Diana at Ashley, ibig sabihin kaya ay nalalapit na ang pagwawakas ng serye at ang problemang ibinigay nila sa kanilang inang si Rina (Jean Garcia)? Totohanan na kaya ang pagiging mabait ni Ashley kay Diana?
- Latest