^

PSN Showbiz

Mga kasali sa MMFF hindi rin masyadong pumatok sa mga pirata?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Expect na tayong lahat sa over acting na traffic ngayong Lunes. Balik sa eskuwelahan ang mga estudyante kaya inaasahang madaragdagan ang mga hahabol sa natitirang pelikula na ipinalalabas na kasali sa magtatapos na Metro Manila Film Festival (MMFF) bukas, Martes.

Tiyak na may natitira pang extra money ang mga estudyante. Nagmahal na naman kasi ang bayad sa sine kumpara sa MMFF 2013. Kaya minsan ay nag-iisip na rin ang iba kung ipapanood pa ang mahigit na 200 pesos nila.

Hindi rin pare-pareho ang bayad sa mga sinehan. Depende kung nasaan kang mall. ‘Pag high end ang mall, mas mahal ang bayad.

Wala naman gaanong nabalita na may na-pirate sa walong pelikula. May mangilan-ngilan daw kopya pero malabo naman kaya hindi pumatok.

Anyway, as of January 1, ang balita, more than P700-Million pa lang ang kinikita ng MMFF 2014.

Aktor puro bakla ang barkada

Bakit kaya puro bakla ang mga kaibigan ng isang actor? Kahit sa kanyang Instagram (IG) account, halata mong mga gay ang kanyang kasa-kasama. Kahit nang mag-abroad siya, hindi pagdududahang mga lalaki ang kasama niya.

Matagal-tagal na ring pinag-uusapan ang gender ni actor, kaya minsan talaga magdududa ka na sa kanya.

Nagkakaroon naman siya ng mga girlfriend, pero wala lahat nangyari. At ang laging nababalitang rason, ang actor daw ang may problema.

Baka nga naman hindi lang kayang magladlad ng actor sa ngayon dahil may career pa nga naman siyang inaalagaan.

Hintayin na lang natin baka naman nakikipag-usap siya kay BB Gandanghari.

PULITIKO AYAW SA AGING SINGER, MAS GUSTO RAW ANG TEENER

Totoo palang never na nagka-relasyon ang isang singer at isang dating pulitiko na kilalang matinik sa babae.

Say ng source, ayaw ni ex-pulitiko sa aging na tulad ni singer. Pulos daw bata as in 20-anyos ang girlfriend nito. At ang pinaka-latest nga raw nito ay teener pa, as in nineteen. At ang nakakaloka raw, walang kakontra-kontra ang ina ng teener na ito sa relasyon sa pulitiko na halos lolo na niya. Ang nanay pa nga raw ng non-showbiz teener ang may attitude at kung umasta, parang siya ang karelasyon ng dating pulitiko.

“Kaya nga natatawa lang ako na nali-link siya kay singer. Malalaki na ang anak ni singer. At may edad na siya. Ayaw niya sa 40s na. Mas gusto niya ‘yung 20s,” dagdag na kuwento ng source.

Kaya tigilan na raw ang pagli-link sa singer at sa dating pulitiko dahil imposible ito.

Dating broadcast city tinatayuan na rin ng condo

Tinatayuan na rin ng condominium building ang dating Broadcast City – RPN9 and Channel 13.

Sikat na sikat noon ang mga nasabing channel at ang nasabing lugar ang dinadagsa ng fans.

Ang RPN ay lumipat na sa mas maliit na lugar pero malayo na sa Capitol Hills. ‘Yung Channel 13, parang wala pang lilipatan kaya andun pa rin sila.

Inuumpisahan na ang pagtatayo ng condo sa nasabing lugar.

Kabi-kabila na ang condo sa Metro Manila pero nakapagtatakang ang dami namang walang sariling bahay sa MM.                                            

 

BROADCAST CITY

CAPITOL HILLS

KAHIT

KAYA

METRO MANILA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAN

YUNG CHANNEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with