^

PSN Showbiz

Dating palaboy na mang-aampon na, nasa Magpakailanman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagbubukas ng bagong taon, isang bagong buhay din ang matutunghayan nating sisimulan sa nakaaantig na kuwento ng pagsusumikap at pagsasakripisyo na ginawa ni Jesus Parungao. 

Magsisimula ang kanyang kuwento sa isang pag-iibigang tututulan at sisirain ng mga taong malapit sa kanila.

Dahil mahirap lamang si Jesus, siya ay mamaliitin at pagsasabihang walang kinabukasang maibibigay para sa kanyang minamahal. Kaya magde-desisyon si Jesus lumuwas patungong Maynila kung saan siya ay makikipagsapalaran.

Sa Maynila kung saan siya ay magiging palaboy dahil sa kakulangan sa kaalaman at kayamanan. 

Ngunit sa oras ng kagipitan, may isang babaeng tutulong kay Jesus... Si Lo­lita. At malaki man ang tanda ng babae sa kanya ay maibibigay naman nito ang mga bagay na matagal nang hinahangad ni Jesus: pagmamahal at pamilya. 

Kasama ni Lolita, makikilala si Jesus bilang mang-aampon. Ang “mag-asawang” kumukupkop sa mga kawawang yagit na iniiwan at inaabandona ng mga magulang. 

Dahil sa kagustuhang buhayin ang mga bata, papasukin nila Jesus ang iba’t ibang trabaho. Magsusumikap. Magsisipag. At magtatagumpay sila ni Lolita sa pagtaguyod sa mga bata at maaahon nila ang kanilang mga sarili mula sa kahirapan. 

Pero simula pa lamang ito ng mga pagsubok na haharapin ni Jesus at ng kanyang pamilya. 

Ano na lamang ang gagawin ni Jesus at ng kanilang mga anak-anakan kung magkasakit si Lolita?

Kung mawala ba ang babae sa kanilang buhay ay mababalik rin ba sina Jesus sa kanilang mga pinanggalingan? Magagawa ba ni Jesus na itaguyod ang pamilyang binuo nang mag-isa? 

Sundan ang kanyang kuwento ngayong Sabado, sa natatanging pagganap nina Christopher de Leon at Martin del Rosario bilang Jesus; kasama sina Katrina Halili, Mike Tan, Diva Montelaba, David Remo, Barbara Miguel, Milcah Wynne Nacion, Gold Aceron, Selena Gonzales, at Ms. Rita Avila kasama ni Ms Mel Tiangco sa Magpakailanman sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, ang Ama Namin: The Jesus Parungao Story ay isinulat ni Dang Sulit mula sa pananaliksik ni Georis Tuca.

Bagong album ni Vice sa Star Music, gold na agad!

Bukod sa patuloy na pagrereyna sa takilya ng pelikula niyang The Amazing Praybeyt Benjamin, patok din agad sa madlang pipol ang bagong album sa Star Music ng Phenomenal Star na si Vice Ganda.

Sa katunayan, wala pang isang linggo ng commercial release ng kanyang album na may titulong  #Trending ay natamo na nito ang gold record status matapos mabili ang mahigit 7,500 kopya ng CD. Ito ay sinertipikahan ng Philippine Association of the Record Industry, Inc. (PARI).

Bahagi ng #Trending album ni Vice ang mga kantang Boom Panes, Aba, Matindi, Malaya Ka Na, Ibang Hugis, Ibang Kulay at Push Mo ‘Yan ‘Te kung saan tampok ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez bilang back-up vocalist.

Kabilang sa bonus tracks ang Boom Panes ­Bryan Cua Remix, Boom Panes Christmas Remix, at “Push Mo ‘Yan ‘Te Bryan Cua Remix. Lahat ng kanta ni Vice ay may minus one versions sa album.

Ito ay mabibili pa rin sa leading record bars nationwide sa halagang P199 lamang. Maaari na ring ma-download ang digital tracks sa pamamagitan ng online music stores katulad ng iTunes, Mymusic­store.com.ph, at Starmusic.ph.

AMA NAMIN

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

BOOM PANES

JESUS

LOLITA

PUSH MO

STAR MUSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with