Bonifacio hindi pa rin matanggap ang pagkatalo!
Hanggang sa pagtatapos ng ika-40th Metro Manila Film Festival sa darating na Martes, January 6, hindi pa rin matanggap ng producer ng pelikulang BonIfacio: Ang Unang Pangulo na pinagbidahan ni Robin Padilla ang pagkatalo ng pelikula sa ibang major awards tulad ng Best Actress, Best Actor, Best Director, at Best Screenplay considering na ang pelikula ang pinarangalan ng festival ng Best Picture at walo pang ibang awards. Although hindi kinu-question ng producer ang mga ginawaran ng parangal tulad nina Jennylyn Mercado (Best Actress), Derek Ramsay (Best Actor) at ang director na si Dan Villegas (Best Director) dahil wala naman silang kasalanan at ginawa rin nila ang kanilang best for their movie, ang kinu-question ng producer na si Rina Navarro ay ang proseso ng judging.
Ang panuntunan ng judging ay 25% creativity and excellence, 25% technical excellence and innovation, 25% content at 25% Filipino cultural and historical value, a total of 100%.
Sen. Grace hindi pa alam kung anong gusto sa 2016
Kung buhay pa sana hanggang ngayon ang movie king na si Fernando Poe, Jr., tiyak na proud ito sa kanilang anak ng movie queen na si Susan Roces na si Sen. Grace Poe-Llamanzares dahil sa maganda nitong performance sa senado making her the leading bet sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa 2016 presidential election.
Sabagay, ang pagkawala ni FPJ ang naging daan ni Sen. Gace Poe para sundan at ipagpatuloy ang naputol na pangarap ng movie king na makapaglingkod.
Naniniwala ang batang senador na hanggang ngayon ay nakasubaybay pa rin sa kanya ang kanyang ama.
Malayo pa ang 2016 at puwede pang mabago ang desisyon ni Sen. Grace Poe na gustong ipagpatuloy ang kanyang paglilingkod sa senado sa halip na mag-seek ng higher position bilang pangalawang pangulo o pangulo ng bansa.
Alonzo naghahanda na sa sunud-sunod na trabaho
Hindi ikinakaila ng dating Child Wonder of Philippine Showbiz na si Niño Muhlach na malaki ang naitulong ng pelikulang My Big Bossing nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon at exposure sa The Ryzza Mae Show sa kanyang bunsong anak na si Alonzo Muhlach para agad itong makilala at tangkilikin ng publiko.
“Alonzo enjoyed his role sa My Big Bossing at sa kanyang month-long exposure sa The Ryzza Mae Show. Para lang kasi siya naglalaro,” says the proud Dad.
Ngayong 2015 ay lalong magiging busy ang next child superstar na si Alonzo.
PASASALAMAT...
Personal: Maraming salamat kina Dr. Alejandro Diaz, Dr. Jesus Eusebio, at Dr. Ivan Villespin ng UST Hospital.
- Latest