^

PSN Showbiz

Pulitiko matagal nang pinagnanasaan ang isang Kapuso actress

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sobrang kinarir ni Martin Nie­vera ang first concert niya sa 2015, ang The Big Mouth Rocks a New Year na gaganapin sa Samsung Hall ng SM Aura mamayang gabi.

Sabi ni Martin, sobrang involved siya sa production kaya madalas ay wala raw siyang script base sa kung ano ang papasok sa isip niya na magugustuhan ng audience.

Mga all-time hits ang kakantahin ni Martin, kasama ang mga special guests niyang sina Morissette Amon, Allen Sta. Maria, at KZ Tandingan.

PAK: Sobrang crush na crush pala ng kilalang pulitiko ang sikat na Kapuso actress.

Nagkita silang dalawa sa isang event ng Metro Manila Film Festival at nagulat si pulitiko sa ganda at kaseksihan ni Kapuso actress.

Alam ng mga staff ni pulitiko na type na type nito si Kapuso actress dahil dalawang araw daw siyang nagkukuwento sa opisina niya na parang kinikilig pa raw ito.

Kilalang matinik talaga sa girls itong si pulitiko kaya hindi malayong mangyaring diskartehan niya si Kapuso actress.

BOOM: Dahil sa humakot ng awards ang English Only, Please, lumakas ito sa takilya.

Kaya lalong na-inspire si Jennylyn Mercado na gumawa uli ng comedy film.

First time raw niyang gumawa ng comedy at natutuwa siya dahil maganda ang feedback at nakuha niya ang Best Actress trophy.

Kaya sa Valentine’s concert ni Jennylyn sa February 13 na gaganapin sa Skydome, ginawa na niyang comedy ang concept.

Naging My Funny Valentine on Friday Duh 13th na ang title na kung saan magiging funny at sexy ang konsepto na mala-English Only Please ang dating at ang look ni Jennylyn.                       

Type nga ni Jennylyn na makagawa uli ng isa pang comedy dahil nagi-enjoy daw siya nang husto.                                           

ALLEN STA

BEST ACTRESS

BIG MOUTH ROCKS

ENGLISH ONLY

ENGLISH ONLY PLEASE

FRIDAY DUH

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with