Panggagaya ni Alex Gonzaga kay Maricel kinaiiritahan na; Sharon malusog pa rin, ebidensiya ang video ni KC; TV5 kinabog ang mga kalaban sa countdown!
SEEN: Malusog pa rin si Sharon Cuneta base sa Instagram video post ng kanyang anak na si KC Concepcion noong January 1.
SCENE: Matapos isalin sa iba ang kanyang Miss World crown, tahimik at walang fanfare na bumalik ng bansa si Megan Young.
SEEN: Let the Love Begin ang pamagat ng drama series ng GMA 7 na tatampukan ng loveteam nina Ruru Madrid at Gabrielle Garcia.
SCENE: Si Iya Villania ang co-host ni Dingdong Dantes sa 6th edition ng Starstruck, ang talent search program ng GMA 7.
SEEN: Nanibago ang televiewers ng TV5 sa itsura ng former child actress- turned-TV5 news reporter na si Patricia Ann Roque aka Trish Roque. Tila may nagbago sa mukha ni Trish sa kanilang paningin.
SCENE: Kinabog ng New Year Countdown ng TV5 ang mga New Year Countdown ng GMA 7 at ABS CBN. Ang Quezon Memorial Circle ang location ng New Year Countdown ng Kapatid Network, ang Philippine Arena ang venue ng salubong sa 2015 ng ABS CBN at ang Mall of Asia Bayside ang lugar ng New Year Countdown ng Kapuso Network.
SEEN: Hindi maganda ang mga anggulo ni Janella Salvador sa teaser ng Oh My G!, ang biggest television break niya sa ABS CBN.
SCENE: Kinairitahan ang akting ni Alex Gonzaga sa The Amazing Praybeyt Benjamin at inakusahan siya na panggagaya kay Maricel Soriano. Si Alex ang gaganap na Inday Bote sa television remake ng old movie ni Maricel.
- Latest