^

PSN Showbiz

Ayon sa political party insider: Dingdong kumpirmado na raw na magse-senador sa 2016?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Sure na raw ang pagkandidato ng bagong kasal na si Dingdong Dantes sa 2016. Yup, you read it right. Insider na ng isang political party ang nagkuwento. At ang position na umano’y target mister ni Marian Rivera, senador.

Of course ayon sa source, under ng Liberal Party at ebidensiya umano ang pagiging Matron of Ho­nour ni Presidente Noynoy Aquino sa kasal nito noong December 30 at maging ni Kris Aquino raw na isa sa mga ninang.

Pero ayaw pa quote ng source. Basta ‘yun daw ang usupan ngayon pa lang.

Kaya mag-expect daw tayo na any moment ay magkakaroon ng announcement si Dingdong dahil abala na nga naman ngayong taon ang lahat para sa 2016 elections.

Well, walang masama kung kakandidato si Dingdong. More than qualified siya na maging senador at sigurado pang hindi magnanakaw sa yaman ng bayan.

Mabait pa ang actor ayon sa lahat ng kapamilya at kamag-anak niya.

Pero siguradong sa kasalukuyan ay ini-enjoy muna nina Dingdong at Marian ang pagiging mag-asawa nila at hindi pa nag-iisip si Dingdong ng pulitika.

Coleen Garcia panay ang pagdi-display ng katawan sa social media

Grabe pala ang katawan ni Coleen Garcia, ang ‘macho.’ Panay ang pagdi-display ni Coleen ng  katawan sa kanyang social media account na Instagram dahil nasa Maldives sila ng boyfriend na si Billy Crawford.

As in panay ang pictorial niya na naka-two piece.

Parang may pandesal na ang kanyang abs at puwedeng pang calendar ng mga alak.

Kung sabagay may gagawing teleserye si Coleen kaya siguro naghahanda na siya sa kanyang role. Eh ngayon nga naman may time pa s­iyang mag-work out or baka talagang pinaghandaan niya ang trip nila ng boyfriend sa Maldives.

International R&B singer na si Chris Brown hindi sinipot ang Ph countdown

Kaloka ang international R&B singer na si Chris Brown. Matapos ang mahaba-habang promo sa kanyang concert para sa New Year countdown sa Philippine Arena, hindi siya dumating. At ang rason daw ng kanyang hindi pagsipot sa concert, nawala ang passport ng singer.

‘’The local representative of Chris Brown and we were informed that Chris is still in Los Angeles because according to them Chris Brown lost his passport the day before the sche­duled event,’’ ayon sa statement ng Maligaya Development Corporation (MDC) na namamahala sa  Ciudad de Victoria ng Philippine Arena.

Ire-refund naman daw ang mga bumili ng tickets. 

Samantalang sa kanyang fan page sa Facebook, pino-promote pa ni Brown ang nasabing concert niya sa bansa.

Maraming ibang kasamang singer sa nasabing concert si Chris Brown kaya itinuloy naman daw ang concert para sa pagsalubong ng 2015.

Mga countdown nakatulong para maging mapayapa ang pagsalubong sa 2015

Tahimik at hindi gaanong naging maingay ang pagsalubong sa 2015. Although may mga nasabugan pa rin, hindi na gaanong malala.

Malamang nakatulong ang kabi-kabilang countdown sa buong Metro Manila. Meron ang tatlong malalaking TV network, ang mga hotel like Resorts World Manila, sa Manila Area, dala-dalawa ang countdown, sa QC ang dami, at kung saan-saan pa.

May kakilala rin akong hindi na gaanong bumili ng mga paputok dahil expensive na rin. Puwede namang makinood na lang.

Saka more than the paputok, mas importante talaga sa lahat ang magdasal at maging mabait.

Claim na natin na magiging masaya at mapayapa ang Bagong Taon para sa ating lahat.

Cheers to 2015.

BAGONG TAON

BILLY CRAWFORD

CHRIS BROWN

COLEEN

COLEEN GARCIA

DINGDONG DANTES

INTERNATIONAL R

PHILIPPINE ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with