KC nahuhumaling sa mga mata ni Paulo
Sa Lunes ay magsisimula na ang Christmas-seryeng pinagbibidahan nina KC Concepcion at Paulo Avelino na Give Love on Christmas Presents Exchange Gift. Hindi raw inaasahan ni KC na magkakatambal silang muli ni Paulo sa isang proyekto.
Una nang nagkasama sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya sina KC at Paulo ilang taon na ang nakararaan. “Lahat po ng KC-Pau fans, parang nag-request sila. We were shocked na mayroon pong fan groups. Nagulat na lang kami na mayroon kaming comments from KC-Paulo fans. Parang nagbibigay sila ng tips sa mga events, pinaparamdam nila, nilabas pa nga si Paulo before,” kwento ni KC.
Sinasabing si Paulo diumano ang espesyal na lalaki sa puso ngayon ng aktres. Aminado rin si KC na matagal na siyang may paghanga sa aktor kaya nagkaroon ng ilangan sa kanilang mga eksena sa bagong serye. “Siguro may mga time na nadadala na ako sa mga adlib kasi natutuwa na lang din ako sa situation. Minsan lang ako magka-crush. Ang baduy po talaga pero ‘yun nga, crush ko siya before. Siyempre for a girl maganda rin na maka-work mo. Totoo naman talaga na ‘yung mata niya maganda. Parang totoo nga ‘yung sinasabi nila na para lang silang nanonood ng reality show,” pagbabahagi ng dalaga.
Hindi pa raw opisyal na magkasintahan sina KC at Paulo ayon sa aktres. “Timing is everything talaga. Saka kung gugustuhin naman ni God ‘di ba? Wala naman tayong control sa puwedeng mangyari. Right now we’re happy na may ginawa kami together. Kung magiging tuluy-tuloy na magiging maganda kung ano ang meron kami, friendship or connection namin, tuluy-tuloy na magkakaintindihan at suportahan sa isa’t isa na maging better people at mag-improve. So far okay naman. As far as magtuluy-tuloy po ‘yun then we don’t know,” nakangiting pahayag ni KC.
Tom hindi makalimutan ang ‘akting’ ng alagang aso
Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ngayon ang The Amazing Praybeyt Benjamin na pinagbibidahan nina Vice Ganda, Bimby Aquino Yap, at Richard Yap.
Kasama rin sa nasabing proyekto si Tom Rodriguez. Hindi raw makalilimutan ni Tom ang pelikula dahil sa bukod na nangunguna ito sa takilya ay nakasama rin niya rito ang alagang aso na isang Yorkshire Terrier. “Ang masaya dito pati aso ko kasama. Prumo-project rin pala, nagulat ako,” nakangiting bungad ni Tom.
“Actually lagi ko siyang dala ‘pag walang magbabantay sa kanya sa condo ko. Noong nasa set kami, napag-usapan namin ni Direk Wenn (Deramas) kung paano ‘yung role ko sa pelikula na international terrorist na naka-suit. Naisip ko laging nandito si Bubbly (pangalan ng aso) sa lap ko ‘pag nagdo-drawing ako, naisip ko isama ko kaya? Ipinakita ko siya kay direk sa tent na isama ko na sa parte ng character ko sabi niya okay siya do’n. Sobrang cooperative nga niya eh nagulat ako napaka-behaved na aso,” kuwento ng aktor.
Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest