Para malaman kung bakit natalo si Robin produ ng Bonifacio pinanood ang English Only, Please
Nakita raw na nanood ng English Only, Please ang isa sa mga producer ng Bonifacio, Ang Unang Pangulo. Dapat lang talagang gawin niya ito at maging ng mga gumawa ng pelikulang Bonifacio na tinalo ng pelikula nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado para malaman nila kung saan sila nagkamali at hindi sila nagwagi, kung meron man. Ako, I just wonder kung after viewing the “kalaban’s” entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay napagtanto nito kung fair nga o unfair ang naging resulta ng pilian.
Mga TV Network magpapasiklaban sa putukan
Matapos ang labanan sa tumatakbo pang MMFF, ngayong gabi magkakaro’n naman ng pasiklaban sa maraming magaganap na New Year Countdown. Tulad ng TV5 na talaga namang may bonggang event sa QC Memorial Circle na dadaluhan ng lahat ng mga Kapatid stars. May mga ganito ring pangyayari na magaganap sa iba’t ibang panig ng bansa na dadaluhan ng mga artista ng Kapuso at Kapamilya Network, pero hindi yata ang mga network ang sponsor ng mga nasabing event kundi participant lamang sila.
Let’s all have an astounding New Year’s Eve. Sa mga gustong umalis ng bahay, ingat lang sa inyong paglalakad. Sa mga mananatili sa kanilang mga tahanan, ingat lang sa inyong mga fireworks.
Baka pati mga magiging mister madamay Marian at Heart dapat magbati na
Bagong taon na, sana naman ay magbati na kayo Marian Rivera at Heart Evangelista. Iisa ang trabaho niyo at mundong ginagalawan. Magiging mas masaya ang buhay n’yo kung wala kayong kagalit sa mga puso. At ‘di ba kayo worried na baka pati mga magiging asawa n’yo ay makasali sa inyong awayan?
- Latest