Negosyanteng si Abby Watabe, binago ang imahe ng mga Pinay sa Japan
MANILA, Philippines – Karanasan sa tagumpay na nakamit sa Japan ang inilahad ni Abby Watabe, dating club entertainer sa The Bottomline with Boy Abunda kagabi at kung paano niya naiahon ang pamilya sa kahirapan. Hindi natapos ni Abby ang kanyang pag-aaral dahil paglalabada at pangangarpentero lamang ang ikinabubuhay ng kanyang mga magulang noon. Ngunit matapos maging OFW sa Japan at mamasukan bilang entertainer, siya ngayon ay nagmamay-ari ng 135 branches ng luxury karaoke bars at Internet cafes sa Japan. Matapos makapag-asawa ng isang mayamang businessman, siya ay naging isang marketing direktor at sumailalim sa personality development training sa pamamahala ni Abigail Arenas. Matapos hagupitin ng supertyphoon ‘Yolanda’ ang bansa, isa si Abby sa mga tumulong sa mga biktima sa pamamagitan ng pagdo-donate ng 2.6 million yen. Tinalakay din ni Abby ang kanyang hangarin na ibahin ang imahe ng mga Filipina na naghahanapbuhay sa Japan. Nagkuwento si Abby ng kanyang karanasan kung paano niya nakamit ang kaligayahan ng pagtulong sa kapwa.
- Latest