Pre nup nina Dong/Yan, sa tricycle kinunan
Nasa YouTube na ang pre-nup video nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na gawa ng Niceprint Photo. Lalong kinilig ang DongYan fans sa kanilang napanood na mga eksena ng ikakasal na kinunan sa Porac, Pampanga. Ang ginamit na background music ay ang A Sky Full of Stars ng Coldplay.
Ipinakita ang kasimplehan nina Dingdong at Marian sa scene na kumain sila ng isaw at sumakay sa tricycle. May special participation din ang butterflies na big part sa relasyon ng dalawa, kaya pati ang invitation, may butterfly.
Sama-sama pala ang mga Kapamilya, Kapuso, at Kapatid sa wedding nina Dingdong at Marian, walang network wars sa kasal ng dalawa. Bukod sa entourage, may imbitado ring ABS-CBN stars sa kasal gaya ni Pokwang na pinost sa Instagram (IG) ang invitation niya.
Nasa bansa na ang ama ni Marian at ready na ang lahat sa kasal sa December 30, at kasama ang fans sa pagdadasal na hindi umulan sa araw ng kasal.
Dahil sa pamilya at trabaho, Jasmine ginagawang parang divisoria ang Australia
Magpapabalik-balik sa Pilipinas at Australia si Jasmine Curtis Smith dahil sa love sa pamilya niya at dedikasyon sa trabaho. After ng Parade of Stars noong December 23, lumipad siya for Australia para doon mag-celebrate ng Christmas with her family.
Bukas, balik-Pilipinas siya para dumalo sa New Year Countdown ng TV5, kung saan isa siya sa performers, Sa January 1, 2015, balik-Australia para muling makapiling ang pamilya habang wala pa siyang project sa TV5.
Extended for New Year ang wish ni Jasmine na makabili ng van na magagamit ‘pag nagti-taping siya. Sa sipag nito at sa sunud-sunod na projects at endorsement, tiyak na mabibili nito ang gustong van.
After ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Bonifacio, Ang Unang Pangulo, may new series sa TV5 si Jasmine, ang Pilipino adaptation ng Korean novela na My Fair Lady. Nang makausap namin ang isang taga-TV5, hinahanapan na ng magiging leading man si Jasmine.
Samantala, nakakatuwang malamang naniniwala sa New Year’s resolution ang pamilya nina Jasmine at ang ginagawa nilang magkakapatid, isinusulat ang New Year’s resolutions, inilalagay sa sobre at itinatago. Sa Bagong Taon binubuksan ang sobre para i-tsek kung natupad nila ang resolutions at ‘pag hindi, muling isinasama sa bagong New Year’s resolution nila.
Hologram concert ni Julie Anne ililibot sa mga probinsiya
Hindi na lang plano ni Robby Tarroza, producer ng Hologram concert ni Julie Anne San Jose na dalhin sa key cities ng bansa ang nasabing concert dahil tuloy na ito. Mauuna sa Cebu at ang tentative date ay April 25, 2015. Sa Hoops Dome ang venue ng concert.
Naghahanap din ng promoter si Robby sa Davao for the same concert pa rin.
Matagal nang plano ni Julie Anne na makapag-concert sa ibang parte ng bansa at matutupad na ito sa tulong ni Robby Tarroza na hndi natakot sumugal sa kanya.
Para magtuluy-tuloy na ang pagningning ni Julie Anne, sana may iba siyang musical show at hindi lang sa Sunday All Stars siya napapanood na kumakanta at sumasayaw. Sayang at wala nang Marian, dance show ni Marian Rivera, kung saan nakita ang pagiging real performer ni Julie Anne.
Iya nagpaka-Pia Guanio
Nag-pinch hit na nga si Iya Villania kay Pia Guanio sa Chika Minute segment ng 24 Oras and in fairness to Iya, maayos ang pagre-report niya ng showbiz news. Hindi siya nag-buckle at malinaw ang pagbibigay niya ng balita.
Pagpasok ng 2015, mapapanood si Iya sa iba pang shows ng GMA-7. Naalala naming nabanggit ng manager nitong si Arnold Vegafria na bukod sa Taste Buddies, magho-host pa ng reality show si Iya at may gagawin pang soap.
- Latest