Nadine normal na normal ang hitsura ‘pag walang makeup, Camille hindi flawless, puro mantsa ang legs
SEEN: Walang make-up, ordinaryong-ordinaryo ang hitsura at hindi mukhang artista si Nadine Samonte nang magpunta siya sa isang telecommunication company sa Greenhills noong Biyernes kaya hindi siya pinansin ng mga tao.
SCENE: Maraming tao, masarap ang pagkain pero poor service sa Locavore, ang restaurant sa Pasig City na pag-aari nina Mark Lapid at Tanya Garcia. Matagal bago dumating ang mga order at inaabot ng siyam-siyam ang pagbabayad ng bill.
SCENE: May “special participation” sa English Only, Please ang donut na ini-endorso ni Derek Ramsay.
SEEN: Subtle ang paggamit ni Vic Sotto sa laundry soap na ini-endorso niya sa isang eksena ng My Big Bossing. Hindi binanggit ni Vic ang pangalan ng sabon pero ginamit niya na dialogue ang tagline ng laundry soap.
SCENE: Hindi natitinag sa Top 3 films ng 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang My Big Bossing, The Amazing Praybeyt Benjamin, at Feng Shui 2.
SEEN: Maraming marka sa binti ni Camille Prats at pansin na pansin ang mga mantsa sa kanyang balat kapag nakasuot siya ng bestida.
SCENE: Mapapanood bukas, December 29, sa Supermodel Me Sirens ng Diva TV Asia ang guesting ni Ruffa Gutierrez.
- Latest