^

PSN Showbiz

My Big Bossing, wala sa ibang sinehan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Hindi nabunot sa Shangri-La theaters ang My Big Bossing nina Vic Sotto, Marian Rivera and Ryzza Mae Dizon. Kaya naman, disappointed ang mga batang dumayo sa Shangri-La dahil wala silang dinatnang My Big Bossing.

Lima lang ang sinehan sa Shangri-La. Kaya naman tatlong pelikula ang laglag sa kanila – My Big Bossing, English Only, Please and Magnum.

Malaking kabawasan din ‘yun sa kita ng tatlong pelikula kung tutuusin.

Bunutan ang proseso ng mga sinehan  sa mga pelikulang ipalalabas nila kaya kung mamalasin ang pelikulang kasali, bawas na agad ang kita nila.

Eh ‘pag sinuwerte naman ang pelikula, nabunot sila ng malalaking malls na talagang dinadagsa ng tao, jackpot na ang produ.

Ito ay kung nasusunod pa ang proseso ng bunutan at walang lamangan. Kasi nakakatakang ‘yung ibang pelikula like SRR XV, wala pang 60 ang sinehan samantalang ang iba , more than 100 theaters.

Siyempe pag marami ka nga namang sinehan, natural na mas malaki ang kikitain nila.

So bakit nga ba hindi balance ang bilang ng mga sinehan na pinaglalabasan ng mga pelikulang kasali sa MMFF?

Ayon kay Manay Ichu Maceda, executive committee member of MMFF, nagpapadami sa ibang sineng kasali sa MMFF ang theaters outside Metro Manila. “Hindi sila officially kasali sa MM at sila ang namimili ng mga pelikulang gusto nilang ipalabas na usually top 3 ang kinukuha nila,” sabi ni Manay Ichu over the phone.

Sa Metro Manila raw kasi, equal ang mga sinehan kung saan ipinalalabas ang walong pelikula ayon pa kay Manay Ichu. Fifty eight theaters daw each film.

Maging sa official na kita, hindi raw kasali ang mga kinita sa mga probinsiya like Laguna, Batangas, Cavite, at iba pang probinsiya. “Basta outside Metro Manila, hindi na kasali.

Pero ayaw magbigay ni Manay Ichu ng figure kung sino sa walong pelikula na ang na-pull out at sino talaga ang no. 1 kahapon. “Si Chairman (Francis) Tolentino na lang ang magbibigay,” sabi ni Manay.

Bonifacio may saysay ang kuwento

Uy kahit nasa no. 7 ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ni Robin Padilla puno ang sinehan nito sa Shangri-La last Friday night. Sana nga ay madagdagan pa ang nanonood ng pelikulang ito dahil maayos ang pagkakagawa at may saysay ang kuwento. Although mapapaisip ka na talaga kung sino ba talaga ang unang pangulo ng bansa. Kasi pag pinanood mo ang tungkol sa buhay ni Emilio Aguinaldo, iba ang version ng kuwento niya.

May ilang kumu-question sa nasabing title dahil sa history na pinag-aaralan ng mga estudyante, si Emilio Aguinaldo ang unang presidente ng bansa.

Pero may ilan naman talagang research na si Bonifacio ang unang pangulo ng Pilipinas. So bahala na tayong humusga.

Trailer ng Tragic Theater kinatatakutan, na-x ng MTRCB

Ang dami na palang naghihintay sa pelikulang Tragic Theater starring Christopher de Leon, Andi Eigenmann and John Estrada, directed by Tikoy Aguiluz.

May isa akong kakilala na paulit-ulit na pinapanood ang trailer ng pelikula na opening salvo ng Viva Films sa You Tube. Parang totoo raw kasi ang mga eksena at talagang scary.

Kuwento ito ng trahedya sa isang film center na habang ginagawa ay bumagsak at ilang construction workers ang umano’y natabunan pero itinuloy pa rin ang construction dahil nga gagamitin ang lugar.

Maraming misteryosong kuwento ang nasabing pangyayari na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakasagot.

Base ang pelikula sa novel ni G.M Coronel, at base sa research niya ang kuwento ng Tragic Theater at may ilang info raw silang isinama sa movie na hindi alam ng maraming sumubaybay sa nasabing pangyayari.

Sa YouTube pa lang, ang taas na ng hits. Kahit ako hindi ko natagalang panoorin dahil nakakakilabot. As in realistic ang eksena lalo na nung gumuho ang ginagawa nilang theater pero hindi nila hinukay pa dahil nga minamadali nila itong matapos.

Grabe rin ‘yung eksenang parang sinasapian si Andi. Try n’yong panoorin sa You Tube. Sure ako makaka-relate kayo sa kuwento ko.

Anyway, showing na sa January 8 ang Tragic Theater.  Pero true kayang sa sobrang pagiging graphic ng mga eksena, na-X ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikula? At not once but twice.

BONIFACIO

EMILIO AGUINALDO

MANAY ICHU

METRO MANILA

MY BIG BOSSING

PELIKULA

PERO

TRAGIC THEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with