^

PSN Showbiz

Tinalo si Kris, Praybeyt… naka-P53 M sa unang araw ng mmff!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nangunguna na sa karera ng walong pelikula sa Metro Manila Film Festival o MMFF ang Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda ng Star Cinema and Viva Films na P53 million something ang kinita sa unang araw ng film fiesta. Ayon sa report, sumunod ang Feng Shui, P31 million, pang-3rd ang My Big Bossing na 28 million, at pang-4th ang Kubot P11 million.

Galing sa MMDA ang figures na ito dahil may ilang nangulit kay MMDA and MMFF Chairman Francis Tolentino na kunin ang unofficial amount ng income sa unang araw ng 40th MMFF.

Kaya lang ang sad part, binawian ng buhay ang lolo ni Vice na si Mr. Gonzalo Dacumos the other night. Ang funeral service will be at the Ascencion Chapel in Araneta Avenue near Nacional. Ang tentative date of internment is on December 28, Sunday sa Eternal Gardens.

Anyway, may mga nadagdag nang sinehan sa Feng Shui. Meaning may ibang pelikulang pinull-out na.

Mananalo sa awards night inaasahang makakatulong sa kita

Tapos na ang Pasko at tapos na rin ang kaabalahan ng showbiz sa MMFF, palabas na ang mga pelikulang kasali, kaya ang kasal naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang tinututukan. Though ngayong gabi pa lang gaganapin ang Gabi ng Parangal ng MMFF, na malamang ay kahit paano ay makatulong pa sa mga pelikulang mananalo.

Walang leakage pero lahat ng bida sa walong pelikula ay automatic na nominado.

‘Yung ibang produ mas gustong kumita ang kanilang pelikula kesa magka-award. At ‘yun ang malalaman natin ngayong gabi.

vuukle comment

ARANETA AVENUE

ASCENCION CHAPEL

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DINGDONG DANTES

ETERNAL GARDENS

FENG SHUI

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MR. GONZALO DACUMOS

MY BIG BOSSING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with