^

PSN Showbiz

Nagpakalulong kasi sa bisyo kaya kung anu-ano ang pinagsasabi, actor-host malayo na ang utak sa Earth!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagkukuwentuhan ng mga lalaking nakauniporme ang isang aktor na ilang beses na nilang nakakaengkuwentro na malayo ang utak sa Earth.

Pasalamat na lang ang aktor na ito na kahit nasa iba’t ibang planeta ang takbo ng kanyang utak ay hindi siya naaaksidente. Sinusuwerte pa rin ang magaling pa naman sanang aktor-host.

Nu’ng minsang hulihin siya ng mga unipormadong lalaki ay nawindang ang mga ito nang maglitanya ang aktor na dating karelasyon ng isang actress-TV host.

Naglitanya talaga to-the-max ang aktor, ang kanyang sabi, “Huwag n’yo na akong hulihin, male-late ako sa audition! Last day na ngayon, kapag nahuli ako, kayo ang sisisihin ko!”

Nang tanungin ng mga nakaunipormadong lalaki ang aktor kung saan siya pupunta at kung ano’ng labanan ang sasalihan niya ay malapit nang himatayin ang mga kausap niya.

Ang kanyang sabi, “Nand’yan na ang UFO sa likod ng Folk Arts. Marami nang nag-o-audition du’n, tumatawag na sila sa akin. Last day na today kaya nagmamadali ako.

“Sayang naman ang house and lot na prize, ima­gine, magkakaroon ako ng bahay sa Neptune? Pinapipili nga ako kung saang planet ko gusto. Mas pinili ko sa Neptune dahil may nakarating na sa buwan, di ba?

“Ayoko sa moon, ayoko rin sa Mars, mas gusto ko talaga sa Neptune, para kakaiba ako! Kaya huwag na kayong humarang d’yan, nagmamadali ako!” seryosong sabi ng aktor-host.

Nagkatinginan na lang ang magkakasamang nakaunipormeng lalaki, hindi siyempre nila masakyan ang sinasabi ng aktor, pero gets ng mga ito na malayo sa planetang Earth ang kanyang utak.

Madalas nang magkaganun ngayon ang aktor-host, nagpakalulong na siya sa bisyong hindi lang katawan ang sinisira, kundi pati ang utak ng gumagamit nu’n.

Super-sikat na karakter sa komiks at cartoons ang kapangalan ng bumibida sa kuwento. Ubos!

Mga kalaban nina Sen. Jinggoy at Sen. Bong naduduwag na?!

Sa PNP Custodial Center nag-Pasko ang magkaibigang Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla. Kung ang ibang nakapiit na pulitiko ay nabigyan ng pagkakataong makapiling ang kanilang pamilya ngayong Kapaskuhan ay hindi ganu’ng kunsiderasyon ang ibinigay kina Senador Jinggoy at Senador Bong.

Sabi nga ng ating mga kababayan ay iba na raw talaga ang tinitingnan lang kesa sa tinititigan. Pero tanggap na ‘yun ng kanilang mga tagasuporta, mainit talaga ngayon ang kanilang mga kalaban, napakaraming problema ng ating bayan pero mukhang sila ang inaasikasong mabuti ng mga takot na takot na makaengkuwentro sila sa halalan sa 2016.

Kunsabagay, araw-araw naman ay Pasko para sa magkaibigan, hindi na kailangan pang dumating ang ganitong okasyon para lang makasama nila ang mga taong hanggang ngayo’y naniniwala at nagmamahal sa kanila, lalo na ang kanilang mga pamilya.

May katwirang nabahag ang buntot ng mga pulitikong ambisyoso kina Senador Jinggoy at Senador Bong, alam kasi ng mga ito na kahit ano’ng paninira ang gawin nila sa magkaibigan ay hindi pa rin natitinag ang paniniwala sa kanila ng ating mga kababayan, matindi pa rin silang kalaban sa darating na eleksiyon.

Ngayon ay napakalinaw na sa isip nina Senador Jinggoy at Senador Bong na mas matindi talaga ang labanan sa mundo ng pulitika kesa sa minahal na nilang industriya ng lokal na aliwan at pelikula.

Sa showbiz ay mababaw na intriga lang ang pinag-aargumentuhan, hanggang salitaan lang ang mga artista, samantalang sa mundo ng pulitika ay hindi lang imahe at prinsipyo ang winawasak kundi pinapatay mismo ang taong nakaharang sa kanilang mga ambisyon.

Onli in da Pilipinas!

 

AKO

AKTOR

CUSTODIAL CENTER

FOLK ARTS

LANG

SENADOR

SENADOR BONG

SENADOR JINGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with