Prinsesa ng mga Pipi naharap sa trahedya
MANILA, Philippines – Isang kakaibang handog ang hatid ng Magpakailanman ngayong Sabado sa pagtatampok ng kuwento ng buhay ni Princess Pura, isang deaf-mute na ang tanging nais ay makita at tratuhin na isang pangkaraniwang tao rin.
Magaling na singer si Joan, maganda. At nang makabuo ang pagmamahalan nila ng kinakasamang si Jojo, mataas ang pangarap nito para sa kanilang magiging anak. Pero laking gulat ng dalawa nang ipanganak si Princess na may birth defect--na wala itong naririnig.
Ang pamilyang nasa pagsasalita inaasa ang pagpaparamdam ng pag-ibig at emosyon, paano haharapin nina Joan at Jojo ang pagsubok sa anak na walang naririnig at hindi nakapagsasalita?
Sa pagturo nila kay Princess na kahit ano ay kaya nitong makamit, mapaninindigan ba nila na makipagsabayan sa mga taong walang pasensya para sa mga pipi at bingi?
At paano haharapin ng Pamilya Pura ang isang trahedyang magbabadyang sumira sa kanila?
Itinatampok sina Kylie Padilla at Steven Silva sa kanilang natatanging pagganap bilang mga deaf-mute, kasama sina Jessa Zaragosa, Arthur Solinap, Luz Valdez, at Mona Louise Rey at mula sa direksyon ni Neil del Rosario, alamin ang mga pangyayari sa buhay ni Princess at ng kaniyang mga magulang sa Magpakailanman - Prinsesa ng mga Pipi: the Princess Pura Story.
Huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng pagkatapos ng Pepito Manaloto, ang Tunay na Kuwento sa GMA7.
- Latest