^

PSN Showbiz

Kaya hindi feel dyowain si Kris Daniel ayaw ngaragin ang buhay!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tama lang si Daniel Matsunaga na maging kaibigan na lang si Kris Aquino. Totoong mahirap sabayan ang presiden­tial sister sa kanyang buhay. Kung napakaraming  res­­ponsibilidad nito, ganun din ang magi­ging katuwang nitong lalaki sa buhay. Kung mahina-hina ang lalaki ay mapag-iiwa­­nan niya ito. Wise decision na ma­ging friends na lang sila.

Pauleen biglang tinabangan sa kasal

Kung saan naman puwede nang ipakita ni Pauleen Luna ang kanyang excitement dahil unti-unti nang ipinamamalas ni Bossing Vic ang kanyang pagsang-ayon sa mu­ling pag-aasawa, saka naman parang hindi siya interesado. Lahat ng mga tanong na ibinabato sa kanya ng press tungkol dito ay parang non-commital siya. Ano ba, Poleng, magpakita ka naman ng interes!

Marian sa bahay na lang maglalagi pagkakasal

I’m sure ninenerbyos na si Marian Ri­vera dahil hayan at abot-kamay na lang niya ang kasal nila ni Dingdong Dantes. Kung ang kampo ng dalawang ikakasal ay nagbubunyi, laking pag-aala­la naman ng mga tagahanga nila na baka pumirme na ng bahay ang magandang aktres at hindi na mag-artista. Tiyak ma­mi-miss nila ito. Pero sa ikabubuti at ikatatahimik ng buhay ng kanilang idolo ay susuportahan nila. Ganito ang mga fans, supportive at positive.

Andi may problema sa bagong boyfriend

Ngayong napalitan na ni Andi Eigenmann sa puso niya ang anak ni Erap na si Jake, tila may problema na naman siya dahil hindi gusto ng magulang niya’t kapatid ang bago niyang nobyo. Problema nga naman!

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

BOSSING VIC

DANIEL MATSUNAGA

DINGDONG DANTES

KRIS AQUINO

MARIAN RI

PAULEEN LUNA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with