^

PSN Showbiz

Mga pasahero stranded din sa mga bus station maulang pasko at pagbaha hindi nahulaan ng Pag-asa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Maligayang Pasko sa lahat! Nawa’y maging masagana at mapayapa ang pagdiriwang natin ngayon ng Pasko, sa kabila ng maulan na panahon kahapon.

Naloka ako dahil hindi nahulaan ng PAGASA ang malakas na pagbuhos ng ulan kahapon na naging dahilan ng pagbaha sa maraming lugar sa Southern Luzon.

Hanggang beywang ang tubig sa Los Banos, Laguna at baha sa maraming bayan ng lalawigan na dating pinamumunuan ni ER Ejercito.

I’m sure, lalong tumindi ang traffic sa Quezon pro­vince  dahil sa pagbuhos ng ulan kaya lalong naging bangungot ang biyahe ng mga motorista at pasahero.

Ang shocking traffic sa lalawigan ng Quezon na tumatagal ng limang oras ang sinasabi na dahilan kaya kakaunti ang mga provincial bus sa Metro Manila at maraming pasahero ang stranded sa mga bus station. Pasko na pero dusang-dusa pa rin ang mga kababayan natin. God bless the Philippines!

Pamilya ni Yasmien bakasyon grande

Bakasyon grande ang mag-asawang Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla, Jr, kasama ang kanilang anak na si Ayesha.

Nag-goodbye Philippines ang tatlo noong Martes dahil pumunta sila sa Kuwait para dalawin ang Lebanese father ni Yasmien.

Sorpresa ang pagbisita ng mag-anak sa tatay ni Yasmien na hindi pa nakikita nang personal ang kanyang apo.

Walang hilig sa social media ang tatay ni Yasmien kaya malakas ang loob ng kanyang anak na i-post sa Facebook ang pictures ng pagsakay nila sa eroplano patungo sa Kuwait.

Tinapos muna ni Yasmien ang lahat ng mga eksena niya sa Yagit bago sila lumipad ng kanyang asawa at anak sa Kuwait.

Lt biglang nagkaroon ng instant birthday celebration

Hindi nagkaroon ng big birthday celebration si Lorna Tolentino noong December 23 pero pinuntahan siya ng kanyang mga kaibigan sa bahay niya sa White Plains, Quezon City.

Hindi na nag-abala si LT na maghanda dahil potluck ang nangyari. Kanya-kanya ng dala ng pagkain ang mga kaibigan niya sa get-together na inabot ng madaling-araw.

Mula nang mamatay si Rudy Fer­nandez noong June 7, 2008, hindi na nagdaraos si LT ng mga bonggang birthday celebration. Maligaya na siya na magkakasama sila ng kanyang pamilya at close friends sa kaarawan niya.

Bayad sa sine pamahal nang pamahal

Maraming salamat sa nagpadala sa akin ng festival pass para sa Metro Manila Film Festival 2014.

Hindi ko na babanggitin ang name ng generous soul na nagbigay sa akin ng festival pass para hindi siya kulitin ng ibang mga tao na gustong mapanood nang libre ang mga pelikula na kalahok sa MMFF.

Marami ang mapapaligaya ng festival pass , lalupa’t  pataas nang pataas ang bayad sa mga sinehan.

Wish ko lang, sumikat ngayon ang araw para sa mga bagets na excited nang panoorin ang My Big Bossing at ibang mga pelikula na kasali sa MMFF 2014.

Ang panonood ng sine ang highlight ng Pasko para sa mga bagets na kaligayahan na ang manood ng pelikulang Tagalog.

Uulitin ko ang isinulat ko noong isang araw, must see movie ang My Big Bossing  dahil sulit na sulit ang mga ibabayad ninyo sa mga sinehan. Bihira akong magrekomenda ng pelikula pero tinitiyak ko na  hindi ako mapapahiya sa endorsement ko sa MMFF movie nina Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon.

Comedy, horror at fantasy ang tatlong episode ng My Big Bossing, ano pa ang hahanapin ninyo?

LORNA TOLENTINO

LOS BANOS

MALIGAYANG PASKO

MY BIG BOSSING

PASKO

YASMIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with