Mga dadalo sa kasal nina Marian at Dingdong dapat sumunod sa dress code
Pati pala mga bisita ay kinakailangang may dress code sa kasalang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kailangang lahat ay naka-pulang damit o gown for that matter. Kaya kung gusto nating malubos ang tagumpay ng kanilang kasal, bakit hindi natin sila pagbigyan?
‘Hindi ako naniniwalang masaya ang pasko kung walang pera’
I hope napasaya ko ang Philippine Movie Press Club (PMPC) sa kanilang Christmas Party. Sa rami kasi ng umaasam ng tulong pinansyal mula sa akin, kinakailangan kong pagplanuhan at i-budget ang pera ko para lahat sila ay mapasaya, kahit artista ako at hindi naman ako ganu’n kalakas kumita. Madalas abonado pa ako sa nag-iisang programa ko sa telebisyon, Walang Tulugan with the Master Showman. But God is good, napag-aabot ko ang mga gastusin ko. At kahit sino ang magsabi na hindi kailangan ng pera para magkaro’n ng isang masayang Pasko, ayaw kong maniwala. Sino ang magiging masaya kung walang nakahain ni kape’t tinapay man lang sa mesa. Kaya tayong may kakayahan, tumulong naman tayo para magkaroon ng Pasko ang mga walang kakayahan.
Sunshine baka ma-in love uli Cesar poging-pogi at machong-macho ang dating
Hindi kaya mag-fall in love na muli si Sunshine Cruz sa nakahiwalayan niyang si Cesar Montano? Aba. Fit na fit ang aktor at guwapong guwapo ito nang dumalo sa pa-party ng PMPC.
ER may dapat patunayan
Kampante lang si ER Ejercito kahit parang walang publicity ang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Muslim Magnum .357. In fairness, impressive ang trailer nito na napapanood sa mga sinehan. Sa movie ni ER, mapapatunayan kung kayang dalhin ng isang magandang istorya ng isang pelikula kahit walang promosyon. Sana magtagumpay siya.
- Latest