^

PSN Showbiz

Wala nang trabaho, pati bahay nailit ng bangko, sexy star kinarma sa kadamutan!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinangakuan ng isang dating sikat na sexy star ang isang tropa ng mga reporters na mamasko sa kanyang bahay. Tuwang-tuwa naman ang grupo ng mga baguhang reporters dahil binigyan sila ng pagkakataong makapamasko ng sexy actress.

Araw ng Pasko, nagkita-kita sila sa isang coffee shop, nang makumpleto ang tropa ay nagpunta na sila sa bahay ng sexy actress na nangako sa kanila.

“Nag-ambagan pa sila sa pang-taxi, hati-hati sila, tutal naman, magkakadatung na sila pauwi. Ang iba sa kanila, e, wala nang pamasahe pauwi, pero join na rin, sa pag-asang may mapapamaskuhan naman sila.

“Sa isang subdivision nakatira si ____(pangalan ng dating kilalang sexy actress), nahirapan pa silang makapasok, wala raw kasing ipinagbilin si ma’m na may darating siyang bisita.

“Pero nang sabihin ng kasambahay ng sexy star na okey lang, pinapasok na rin sila ng mga guwardiya. Tuwang-tuwa ang mga bagitong reporters, siyempre!” simulang kuwento ng aming source.

Heto na. Isang oras na silang naghihintay, wala pang sexy actress na humaharap sa kanila, puyat na puyat daw kasi siya nu’ng nakaraang gabi ayon sa kanyang kasambahay.

“Dalawang oras, tatlong oras, naiinip na sila at nagugutom na rin, dahil wala namang ibinibigay na pagkain sa kanila ang maid ng sexy actress.

“Parang hindi rin naman Pasko, dahil walang food sa mesa, walang kahit ano, parang ordinaryong araw lang ‘yun para sa artistang pinuntahan nila.

“Nu’ng sobrang inip na ang tropa, umalis na sila, tatlo na kasi ang tingin nila sa mundo, duling na sila sa sobrang gutom. Naglakad na lang sila palabas ng subdivision na lalong nagpagutom sa kanila, malayo kasi sa main gate ang bahay ng nangakong aktres sa kanila.

“’Yung may natitira pang pera ang nanglibre ng pagkain sa isang turo-turo, siya na rin ang namasahe sa jeep para sa mga kasamahan niya. Umuwi silang hindi lang luhaan, humahagulgol pa ang kanilang puso, dahil nandu’n naman ang sexy star pero hindi sila hinarap.

“Mula nu’n, kahit ano’ng imbitasyon pa ang sabihin ng aktres, hindi na naniniwala ang grupo, deadma na lang sila. Ngayon, e, wala na silang bahay ng sexy star na pupuntahan, nailit na ‘yun ng bank. Wala na ring career ang babaeng OPM,” kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Sen. Bong at Sen. Jinggoy nawalan na ng pag-asa, hindi na iniisip ang araw ng Pasko

Sa PNP Custodial Center magpa-Pasko ang magkaibigang Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla. Hindi na sila umasang mabibigyan sila ng pagkakataong magdiwang ng Pasko sa kanilang tahanan, siguradong hindi naman sila papayagan, kaya hindi na sila nagtangkang maghain ng mosyon para sa pansamantala nilang kalayaan.

Inisip na lang siguro ng magkaibigang aktor-pulitiko na isang araw lang naman ang Pasko, lilipas din ang maghapon, sa piitan na lang sila magsasama-sama ng kanilang mga pamilya.

Araw-araw naman ay maituturing nilang Pasko dahil hindi sila nakakalimutang dalawin ng kanilang mga mahal sa buhay, maraming nagdadala ng pagkain, petsa lang ang magbabago pero ang pagmamahal na ibinibigay sa kanila ay pareho rin.

Umaga pa lang ay dagsa na ang mga dumadalaw kina Senador Jinggoy at Senador Bong, pansamantala nilang nalilimot ang lungkot at pagkainip dahil marami silang kausap, pero pagdating ng gabi ay balik na naman sila sa reyalidad ng buhay.

“Kami na lang uli ni Pareng Jinggoy ang nandito, lahat na yata ng paksa, e, napagkuwentuhan na namin. At napakahaba ng gabi dito, ang tagal-tagal bago mag-umaga,” makahulugang pahayag ni Senador Bong.

Kapag bagsak na bagsak na ang ating pag-asa ay makatutulong at masarap isipin ang katotohanan na ang problema ay nakikiraan lang sa tapat ng ating bahay at hindi nakikipanirahan.

vuukle comment

ARAW

LANG

NAMAN

PASKO

SENADOR BONG

SEXY

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with