Relos ng nakakulong na singer/composer ka-level ng mga gamit ng artista
Wondering ako dahil hindi ako naimbitahan sa presscon ni Herbert Colanggo nang i-launch niya sa loob ng New Bilibid Prisons ang kanyang debut album noong April 2014.
Afraid kaya ang nag-invite sa presscon dahil baka harbatin ko ang mga gold and platinum watch ng singer na nakabilanggo?
Sa tantiya ko, worth P3 million each ang mga relo ni Herbert na nakulong dahil sa pagkakasangkot niya sa bank robbery.
Ang mga gold and platinum watches na nakumpiska mula kay Herbert ang ebidensya na richie rich siya at special ang trato sa kanya sa loob ng kulungan.
Ka-level ni Herbert ang mga sikat na artista at pulitiko na gold at platinum din ang mga ginagamit na relo.
Ryzza Mae maraming biyaya sa 2014
Jampacked ang premiere night ng My Big Bossing na ginanap kagabi sa Cinema 10 ng SM Megamall.
Feel na feel ni Ryzza Mae Dizon ang pagkakagulo ng fans na gandang-ganda sa kanya.
Ito ang happiest Christmas ni Ryzza Mae dahil natupad ang dream niya na magkaroon sila ng sariling bahay ng kanyang pamilya.
Hindi lamang bahay ang nadagdag sa mga property ni Ryzza Mae dahil magkakaroon rin siya ng bagong kapatid sa 2015 na courtesy of ng kanyang nanay na si Rizza.
Sen. Bong at Jinggoy kapiling sa kalungan ang pamilya sa pasko
Ang kanilang pamilya ang makakapiling nina Senator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa araw ng Pasko.
First time ni Bong na magdiriwang ng Pasko sa loob ng kulungan pero imbes na malungkot, masaya siya dahil sama-sama sila ng kanyang pamilya.
Kahit nasa loob sila ng PNP Custodial Center sa Camp Crame, nakakatanggap sina Bong at Papa Jinggoy ng mga Christmas gift mula sa kanilang mga kaibigan at loyal supporters.
Sila ang mga tao na kasama nina Bong at Papa Jinggoy sa hirap at ginhawa. Hindi sila kasali sa listahan ng fair-weather friends na mahusay makisama dahil may mga kailangan na pabor mula kina Bong at Papa Jinggoy. Hindi ko na sasabihin ang kanilang mga name dahil alam nila kung sinu-sino sila.
Merry Christmas Papa Miguel…
Merry Christmas kay Papa Miguel Belmonte na never na nakakalimot sa akin tuwing Pasko.
Every year, pinapadalhan ako ni Papa Miguel ng mga gift certificate na lucky charm ko dahil kapag natatanggap ko ito, sunud-sunod ang mga Christmas present na ipinapadala sa akin bilang isa ako sa well-loved sa showbiz. Well-loved daw o!
Hindi kami nagkita ni Papa Miguel sa bonggang Christmas party ng Star Group of Companies noong nakaraang Miyerkules dahil natakot ako na magdusa sa trapik or else, naibigay niya sana sa akin ang mga lucky charm ko. Merry Christmas again Papa Miguel…
LT pahinga na sa teleserye
Happy birthday kay Lorna Tolentino. Ngayon ang birthday ni LT at good health and more projects ang mga birthday wish ko sa kanya.
Nag-decide si LT na magpahinga muna sa mga teleserye pero may gagawin siya na pelikula para sa Star Cinema.
Ikinalungkot ng fans ni LT ang desisyon nito na huwag munang gumawa ng teleserye dahil mami-miss nila ang kanilang favorite actress.
Hindi dapat ma-disappoint ang fans ni LT. Malay n’yo, magbago ang kanyang isip kapag may dumating na offer o project na sobrang ganda at mahirap tanggihan.
- Latest