^

PSN Showbiz

Heart dumayo sa Amerika para magsukat ng damit pangkasal

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa Manila reception pala gagamitin ni Heart Evangelista ang wedding gown na gawa ng sikat na Pinay designer at favorite ng Hollywood stars na si Monique Lhuillier.

Kahapon ay nag-upload si Heart sa kanyang Instagram account ng photo na nasa shop ni Ms. Monique sa Los Angeles.

Nag-fitting daw siya ayon sa kanyang post kasama ang bestfriend niya sa grade school na bridesmaid niya rin.

Sa Balesin Island sa Quezon Province ang unang kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart.

Kasama ni Heart sina Chiz at ang kambal nitong anak na magpa-Pasko sa Amerika sabay fitting na nga ng kanyang pangkasal.

Kris balik-trabaho, parang ‘di nagkasakit

Parang hindi naman nagkasakit si Kris Aquino. Kahapon sa The Buzz ay nag-report siya. At in fairness, ang level of energy niya, ganun pa rin naman ang taas. At ang nakakaloka, expose ang cleavage niya na pansin na pansin ng mga nanood ng The Buzz.

The other day nag-post si Kris ng photo niya na tumaas ang blood pressure niya.

Baguhang aktres sa Mulat, nagpakitang gilas sa aktingan

Kumusta kaya ang mga pelikulang kasali sa New Wave ng Metro Manila Film Festival (MMFF)? Isa sa magandang kasali ang Mulat (Awaken) starring Jake Cuenca and newcomer Loren Burgos.

Nanalong best actor dito si Jake sa isang international filmfest sa New York. Pero bukod kay Jake, malaking revelation sa pelikula ang baguhan na si Ms. Loren. Ang galing niya sa role ng isang babaeng na-in love pero naitspwera at hindi pinahalagahan ng boyfriend na sobrang mahal niya. Wala siyang nagawa kahit in love na in love siya, sumuko din siya. Hanggang sa may makilala siyang nagmahal sa kanya pero hindi nawawala ang trauma na ginawa sa kanya ng ex na tiniis niya dahil nga sa sobrang pagka-in love.

Basta unique ang kuwento ng Awa­ken although may English film akong naalala na parang ganun ang kuwento.

Hanggang sa Tuesday pa palabas ang mga kasali sa New Wave ng MMFF.

Kris, Coco, Anne, at Kathniel kinilala ng COMGUILD

Umani pala ng pinakamaraming parangal ang ABS-CBN sa COMGUILD Academe’s Choice Awards kamakailan matapos nitong tanggapin ang siyam na tropeo mula sa sampung kategorya, kabilang na ang Advertiser’s Friendly Television Network.

Kinilala ang Queen of All Media na si Kris Aquino bilang Iconic Female Endorser, habang pinangalanan naman sina Coco Martin at Anne Curtis bilang Most Admired Male Endorser at Most Admired Female Endorser. Ang Teen King and Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang itinanghal na Most Loved Male and Female Teen Endorsers.

Wagi ang morning show na Swak na Swak, da­ting Kabuhayang Swak na Swak, bilang Best Entrepreneurial/Business Show, habang ang anchor ng My Puhunan na si Karen Davila naman ang Best Entrepreneurial/Business Host. Panalo rin ang noontime show na It’s Showtime bilang Advertiser’s Friendly Noontime Show.

Historical documentaries and footages inilagak na sa National Film Archives

The Philippine Information Agency (PIA) has turned over the last 3,000 audiovisual elements of its archives sa National Film Archives of the Philippines (NFAP). Ang karamihan sa nasabing collection ay galing sa late sixties to mid-eighties and consists of  in-house National Media Production Center (NMPC) and PIA produced works, tulad ng historical recordings and footages from undertakings with other private and government institutions.

Ayon sa Film Deve­lopment Council of the Philippines (FDCP), to break down the collection in numbers, PIA has transferred to NFAP approximately 1,000 titles, totaling to 3,000 audiovisual elements, such as negatives, sound, and tapes of different formats. Ang na­sabing collection transferred are cultural and historical documentaries and footages.

Ito na pala ang second transfer of elements from the PIA to NFAP. Noong 2011 ang unang transfer.

Kasama sa mga initial transfer ang various film elements ranging from film negatives to prints of 61 feature films and documentaries.

The FDCP, which oversees NFAP, will be acqui­ring a film scanner next year that will finally digitize these current collections para mas maging maayos ang preservation ng mga historical documentaries and footages.                  

BEST ENTREPRENEURIAL

FILM

KRIS AQUINO

NEW WAVE

NIYA

SWAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with