Direk Enzo, six months na nag-research kay Bonifacio
Inamin ni Vina Morales na hindi mahirap mahalin ang isang Robin Padilla. Nag-ugat ito sa sinabi ni Robin na bida ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo na puwede naman siyang magmahal at mag-asawa nang marami dahil isa siyang Muslim.
Klinaro rin ni Robin ang balitang pinagtago niya si Vina Morales sa kotse nang dumating sa isang event si Mariel Rodriguez.
“Naku, hindi totoo ’yan. Hindi selosa ang aking asawa. Katunayan, fan siya ni Vina at siya pa nga ang nagsabi sa aking kunin ang aktres para maging leading lady ko,” sey ni Binoe.
Kahit hindi sila nagkita nang matagal na panahon ay narun pa rin ang closeness nila. Ayon kay Vina, hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay ni Robin pero humingi na ito ng tawad.
Nagbiro naman ang action star na binayaran niya ang lahat ng atraso nito kay Vina sa kulungan.
Tinanong si Direk Enzo William kung nag-research ba siya ng buhay ni Bonifacio para maging makatotohanan ang kuwento nito.
Ayok sa director, anim na buwan siyang nag-research at nagbasa ng maraming history books para malaman ang tunay na kuwento ni Bonifacio.
Maganda naman ang paliwanag ni Robin tungkol sa kung alin ang mahalaga sa kanya, ang Best Picture Award ba o ang kumita sa takilya ang movie? Sinabi ni Binoe na mas mahalaga ang ganda ng movie, ’yung naglalaman ng positive cultural values kaysa sa kikitain nito sa takilya.
Makakapag-iwan ng magagandang mensahe ang Bonifacio sa mga manonood laluna sa mga kabataan tungkol sa magandang adhikain ni Bonifacio na makamit ang kalayaan dahil sa pagmamahal sa bayan.
Ang Bonifacio: Ang Unang Pangulo ay prodyus ng Filipinas Productions na ini-release ng Solar Pictures sa December 25.
- Latest