Kaya malala ang droga, bulok talaga ang sistema sa Pilipinas – Robin
PIK: Masamang-masama ang loob ni Mark Herras sa mga basher na patuloy na tumitira sa kanya dahil pati ang anak niya ay nadadamay.
Nung una ay pinapatulan pa niya, pero ngayon ay dedma na lang siya dahil pinayuhan itong huwag nang pansinin.
Mas mabuting pansinin na lang daw ang pasabog na isasayaw niya sa Sunday All Stars mamayang hapon.
PAK: Tuluyan nang na-deactivate ang Instagram account ni AiAi delas Alas. Iyun naman daw ang gusto niyang mangyari bago mag-2015 para mas tahimik na raw.
Isa sa dahilan kung bakit bumitaw na siya sa social media dahil sa mas gusto na niyang tahimik na ang lovelife niya at umiiwas na lang siya sa matitinding panlalait sa kanya ng bashers.
Ang anak niyang si Sancho ang isa sa apektado at unang nagtatanggol dahil hindi naman daw nila kilala ang kanyang ina at pati ang boyfriend.
BOOM: Dismayado si Robin Padilla sa lumabas na balitang nagaganap sa New Bilibid Prison na mainit na pinag-uusapan.
Sabi niya sa premiere night ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo na ginanap sa SM Megamall kamakalawa ng gabi, matagal na raw ang sistemang iyun. Pero nung nandun daw siya, isa raw siya sa tumulong sa dating director general Vicente Vinarao na malinis iyun at natanggal na raw nila ang drugs sa loob. Pero nabalik na naman ito pagkatapos daw magpalit ng bagong direktor ng NBP.
Pahayag ng aktor; “Ang problema lang, ang sistema dito sa Pilipinas talagang bulok!
“Pagkabago ‘yung presidente pinapalitan ‘yung magaling na tao. Si General kasi magaling ‘yun. Alam na niya kung ano ‘yung bilibid eh.
“Ang nangyari magpapalit ng presidente, papalitan ng bagong director.
“Ang bagong director, hindi naman niya alam ang kalakaran. Sana mapalitan ang sistemang iyun.”
- Latest