Wala na kasi sa ‘poder’ ni Aleng Maliit, Bimby hindi na maingay sa MMFF; ER natutong magtipid; Lumipat na kasi ng ibang doktor Kris at Coco hindi na suporta
SEEN: Higit na pinag-usapan at maraming mga publicity si Bimby Yap sa kanyang unang pelikula noong 2013, ang My Little Bossings kesa sa second Metro Manila Film Festival (MMFF) movie niya, ang The Amazing Praybeyt Benjamin 2.
SCENE: Malaki ang kinalaman ng partnership nila ni Ryzza Mae Dizon (Aleng Maliit) sa My Little Bossings noong 2013 kaya naging maingay nang husto ang pag-aartista ni Bimby Yap.
SEEN: Mas maliit ang budget ng Muslim Magnum .357 kumpara sa mga nakaraang pelikula ni former Laguna Governor ER Ejercito. Ang Magnum .357 ang pelikula ni ER na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2014.
SCENE: Sa January 5, 2015 ang premiere telecast ng Once Upon A Kiss, ang primetime show ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.
SEEN: Ulilang lubos sa mga magulang si Bianca Umali at nalulungkot siya tuwing sumasapit ang Pasko at Bagong Taon dahil nami-miss niya ang kanyang ama at ina.
SCENE: Ang biro ni Senator Ralph Recto sa Ala Eh! Festival ng lalawigan ng Batangas na walang babaeng makipot sa lalaking malikot. Winner na winner sa mga kababayan ni Senator Ralph ang kanyang biro.
SEEN: Mula sa ABS-CBN, tumawid si Mylene Dizon sa GMA-7. Si Mylene ang kontrabida sa Once Upon A Kiss at ang Ikaw Lamang ang huling teleserye niya sa ABS-CBN.
SCENE: Suportado ng Belo Medical Clinic ang Praybeyt Benjamin 2 dahil ang billboards nito ang pansamantala na ipinalit sa mga billboard ng Belo Medical Clinic. Walang billboards ang Belo Medical Clinic para sa Feng Shui 2 dahil pasyente na ng ibang beauty doctor sina Kris Aquino at Coco Martin. Nananatiling celebrity endorser ng Belo Medical Clinic si Vice Ganda, ang bida ng Praybeyt Benjamin 2.
- Latest