^

PSN Showbiz

P50,000 a day MMFF malaki raw ang kinita sa mga multa ng mga pelikulang ‘di nakaabot sa deadline

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - I’m sure malaki ang kinita ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa multa pa lang ng mga kasaling pelikula na magbubukas sa mga sinehan sa Pasko.

Last week pa ang deadline pero as of yesterday, balitang sa eight official entries, three pa lang daw ang ready at tapos na tapos na ang production. Ang natitirang lima, hindi pa raw ready na ipalabas. May nag-last shooting day pa lang daw at ‘yung iba nag-edit at nagdagdag ng mga eksena.

Eh ang bayad daw, P50,000 ang penalty sa bawat araw.

Kung sabagay parang yearly habit naman ‘yan ng mga producer na kasali. Kung kelan malapit na ang deadline saka sila aligaga na puliduhin ang mga pelikula nila.

Anyway, wait natin na ipalabas ang mga pelikulang kasali kung nasulit naman ang kanilang pagbabayad ng multa.

Robin alam na ang paggawa ng drugs

Graded A pala ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Meaning, impressive ang pelikula na isa sa mga kasali sa gaganaping 2014 MMFF.

Samantala, nakakawindang kahapon ang mga kuwento ni Robin Padilla, na gumanap na Bonifacio, tungkol sa kanyang naging karanasan noong nasa kulungan siya.

Maalalang halos apat na taon ding nakulong ang actor dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Ayon kay Robin, nakita ng dalawang mga mata niya kung paanong pino-proseso ang illegal drugs sa loob ng kulungan nang mag-guest siya sa programa ni Karen Davila sa ANC.

“Pagpasok ko sa kulungan, ang bumulaga sa akin mga inmate tumatalon sa third floor. Ginagawa sa maximum. Ang tao, ang daming dalaw. Linuluto po dun pero lumang tugtugin ‘yun. Lahat ng tao sa kulungan alam ‘yun. Pagdating ko nga doon, ang tanong sa akin ng gwardya, ‘anong gusto mong tirahin?

“Firearms, jacuzzi, may nagja-jogging pa noon naka-Armalite. May 45 nga ako sa loob dati. Hindi kasi pwedeng walang gamit doon. ‘Pag sinarado na lahat at wala nang gwardya sa loob, war ‘yun,” pahayag ng actor sa Headstart.

Bakit kaya hindi gawing pelikula ni Robin ang naging karanasan niya noon sa kulungan?

Miss Beauche kokoronahan

Ngayong gabi na gaganapin ang Grand Coronation Show ng Miss Beauche 2014 sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Chairman of the Board of Jud­ges si Gloria Diaz at celebrity judges sina Paolo Ballesteros, Shamcey Supsup, and Maggie Wilson.

Mas pinabongga ang nasabing pageant ng Beauche ayon kay Beauche International CEO Che Toribio Delos Reyes.

In fairness, ang gaganda ng 21 contestants at mukhang mahihirapan ang mga hurado na mamili ng mananalo.

At pasabog din daw ang mga papremyo sa Miss Beauche 2014.

Super effective na beauty products ng Beauche at lahat daw nang sumali ay gumamit ng mga produkto nila.                                                                                                                                                                      

ANG UNANG PANGULO

BEAUCHE

BEAUCHE INTERNATIONAL

BONIFACIO

CHAIRMAN OF THE BOARD OF JUD

MISS BEAUCHE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with