^

PSN Showbiz

Pero hindi alam kung sino ang nag-piyansa dating bold actor na nakulong dahil sa droga, nakalabas na

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin pinag-uusapan nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang tungkol sa kanilang kasal.

Kahit ang magka-baby ay wala pa rin daw sa plano nlla ni Mariel

“Ako na muna ang baby,” pakli ng bida ng pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo.

Napagkasunduan naman daw nila ni Mariel na unahin daw muna ang responsibilidad niya sa kanyang mga anak, at saka na raw nila planuhin ang magka-baby.

“Hindi naman sa ayaw namin, kaya lang nakikita niya kasi na hindi pa ako tapos sa mga anak ko ngayon. Nakikita niya may dalawa pa akong nag-aaral.

“Maitawid lang naman hanggang high school, okay na yun,” pahayag pa ni Robin na abala sa promo ng MMFF entry niyang Bonifacio.

PAK: Kahit itinatanggi ni Jennylyn Mercado ang pagkaka-link niya kay Cong. Ronald Singson, pinag-uusapan pa rin ito, kaya pati si Lovi Poe na dating kasintahan ni Cong, Singson ay nahingan ng reakayon kaugnay dito.

“I’m not in the position to react to that eh,” mabilis na sagot ni Lovi.

Na-maintain naman daw nila ang friendship ni Cong. Singson, pero wala na raw silang komunikasyon.

Wala naman daw siyang nabalitaan tungkol sa dalawa, pero wala naman daw siyang karapatan na magkomento tungkol dun.

“Out ako sa isyu eh,” sabi pa niya.

BOOM: Kahapon lang nakalabas ng kulu­ngan ang dating bold actor na si Anton Bernardo pagkatapos niyang mahulihan ng drugs at ang ‘di pagsuot ng helmet.

Umabot ng 246,000 pesos ang ipinampiyansa sa kanya kaya nabigyan ito ng pansamantalang kalayaan.

Hindi alam ng mga pulis kung sino ang nagpiyansa sa kanya, dahil nakakuha lang daw sila ng order mula sa korte na puwede na itong lumabas.

Maaring merong tumulong, dahil may narinig kaming ang ilang dating katrabaho ni Anton ang gustong tumulong sa kanya para makapagpiyansa ito.

ANG UNANG PANGULO

ANTON BERNARDO

BONIFACIO

DAW

JENNYLYN MERCADO

KAHIT

LOVI POE

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with