^

PSN Showbiz

Special effects ng Shake pinulido

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi natuloy noong Martes ang celebrity screening ng Shake, Rattle & Roll XV dahil tiniyak muna ni Mother Lily Monteverde na pulido ang special effects ng official entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival 2014.

Natuloy kagabi sa SM Megamall Cinema 6 ang celebrity screening ng pelikula

Sa mga nagtatanong kung bakit favorite ni Mother ang SM Megamall Cinema na venue ng mga premiere night ng kanyang pelikula itsurang dusa ang bumiyahe sa Ortigas Center ngayong holiday season, simple lang ang explanation, may hatid na suwerte sa mga pelikula ng Regal ang nasabing sinehan.

Walang umuwing luhaan...

Hindi ako nakadalo kahapon sa bonggang Christmas party ng Star Group of Companies pero nakarating sa akin ang mga happening, ang pagdating ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan, ang Superman t-shirt ni Papa Miguel Belmonte na nakapaloob sa kanyang formal suit na suot, ang pagho-host sa party nina Tim Yap at ng magandang anak ni Papa Miguel na si Reggie at ang pagdumog ng Star employees kay Derek Ramsay na sumaglit at hindi napagod sa photo op.

Ang mainit na pagtanggap kay Derek ang malinaw na ebidensiya na hindi nakaapekto sa popularidad niya ang mga ginawa ni Mary Christine Jolly.

Umabot din sa kaalaman ko ang warm welcome ng Star employees kina Gloc9 at Rico Blanco na kinanta ang kanilang hit song.

Pero ang balita ni Papa Miguel tungkol sa magandang sales ng mga diyaryo ng Star Group of Companies ang ikinatuwa ng lahat at nagpasaya sa kanilang Pasko.

I’m sure, lalong ginanahan na magtrabaho ang mga empleyado ng Star dahil sa good news ni Papa Miguel at ang confirmation nito na lalong tumatag ang kompanya dahil sa pakikipagsanib puwersa nila ni Papa Manny.

Walang umuwing luhaan sa mga empleyado ng Star Group of Companies dahil  lahat sila ay nagwagi sa raffle draw, pati ang mga kolumnista ng PM (Pang Masa  at PSN (Pilipino Star NGAYON).

Imagine, 150 people ang nanalo ng cash prize na P3,000 each.

Hindi lamang ang mga pagkain at drinks ang bumaha sa Christmas party dahil umapaw din ang datung at sangkatutak na raffle prizes sa hotel na itinuturing kong makasaysayan, ang Sofitel. Sosyal ‘ha?

May contest para sa best production number na sinalihan ng iba’t ibang department ng Star Group of Companies.

Nagpakitang-gilas ang mga empleyado sa kanilang mga superhero and villain costumes dahil ito ang theme ng Christmas party.

Mala-Angelina Jolie ang PSN entertainment editor na si Mama Salve Asis sa kanyang Maleficent costume.

Si Jun Lalin ang nag-effort na ihanap (sa stylist na si Regi Cruz) si Mama Salve ng sosyal na Maleficent costume at hindi siya nabigo.

Pero ang ending, Luz Valdez si Mama Salve at para sa akin, isang injustice ang nangyari.

Nagkita kami kahapon ni Marian Rivera sa parlor ni Bambbi Fuentes at siya ang nagpakita sa akin sa Instagram ng Maleficent look ni Mama Salve.

In fairness, nagustuhan at nagandahan ako sa costume ni Mama Salve kaya nag-wonder ako nang malaman ko na Luz Valdez siya. Hindi ako makapaniwala na talunan siya. Parang may dapat i-explain si RJ Ledesma na in charge sa pagpili ng winners.

Nanghinayang talaga ako dahil hindi ako umapir sa Christmas party dahil kung nagpunta ako, sure winner si Mama Salve. Ako pa?

Pero ‘di bale, natalo man si Mama Salve, siya pa rin ang true winner para sa akin at sa kanyang mga better and not bitter friends. (Hahahaha. Oks lang po ‘yun. Masaya naman at maraming nag-like sa Instagram at FB. LoL. – SVA)

vuukle comment

AKO

DAHIL

LUZ VALDEZ

MAMA SALVE

MEGAMALL CINEMA

PAPA MIGUEL

PERO

STAR GROUP OF COMPANIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with