^

PSN Showbiz

TV5 handang-handa na sa pagdating ni Pope Francis

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Pinaghahandaan na nang husto ng TV5 ang nalalapit na pagbisita ng mahal na Santo Papa na si Pope Francis mid next month at sinimulan na nila ang www.DearPope Francis.ph, ang comprehensive at innovative website ng Kapatid Network na magbibigay ng laya sa mga netizen na makibahagi sa pagdating sa Pilipinas ni Pope Francis.

Sa pamamagitan ng www.Dear PopeFrancis.ph, ito ang magku-connect sa mga Filipino sa Mahal na Santo Papa kung saan bukas nilang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa Holy Father.

Naghahanda na rin sila para sa extensive report and coverage sa pagdating ni Pope Francis.

Samantala, kaabang-abang ang mga pagbabago at mga ilulunsad na programa ng Kapatid Network na may bagong slogan na The Happy Network.

Kasama sa mga bagong line-up ng new programs   ang Hi-5 Philippines, nariyan din ang Happy Wife, Happy, E5, Extreme Challenge: Kaya Mo Ba `To.  May bago rin silang comedy show na sisimulan, ang Mac and Chiz na tatampukan nina Derek Ramsay at Empoy Marquez, Two and 1/2 Daddies na pagbibidahan ng magkakapatid na Robin, Rommel Padilla at BB Gandanghari, ang No Harm, No Foul, isang weekly comedy show na pagbibidahan ni Ogie Alcasid.  Meron din silang singing reality show, ang Rising Stars; ang Last School Standing, isang game show na sumusuporta sa mga matatalinong high-school students ng bansa; ang Move It: Clash of the Street Dancers, What’s The Problem na ihu-host nina Gelli de Belen, Arnell Ignacio at Atty. Mel Sta.Maria na siyang magbibigay ng legal at practical advise; ang Call Me Papa Jack.  Nariyan din ang Healing Galing to be hosted by alternative medicine advocate na si Dr. Edinell Calvario at ang anti-aging specialist na si Dr. Hayden Kho na siya namang magbibigay ng kanilang medical advise.

Ang iba pang exsisting top-rating programs ng TV5 tulad ng  Talentadong Pinoy, Quiet Please  at ang gag show na Tropa Mo Ko Unli  ay magpapatuloy sa taong 2015.

Samantala, kinumpirma ng TV5 News & Public Affairs head na si Luchi Cruz na naka-leave ngayon ang controversial na si Paolo Bediones hindi dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan nito kundi dahil sa health reasons na may kinalaman sa kanyang lalamunan.  Sa pagpasok ng 2015 ay muling mapapanood sa mga news programs ng Kapatid Network si Paolo.

Personal ding pinabulaanan ni Luchi ang mga balitang may internal problem sa kanyang departamento na may kinalaman sa mga news anchors at ibang staff ng news and public affairs.

ARNELL IGNACIO

CALL ME PAPA JACK

CLASH OF THE STREET DANCERS

DEREK RAMSAY

DR. EDINELL CALVARIO

KAPATID NETWORK

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with