^

PSN Showbiz

Robin pinatago si Mariel para ‘di sila magkita ni Vina!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang sagot kahapon ni Vina Morales sa presscon ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo tungkol sa isyu ng possible reconciliation nila ng kanyang ex-boyfriend na si Robin Padilla: “Hindi mahirap mahalin si Robin pero mahirap ang maraming kahati sa pag-ibig. I don’t wanna be in a relationship na magulo.”

SCENE: Flashback: Pinatulan noon ni Vina Morales si Cedric Lee, kahit alam niya na may asawa at anak ang businessman na utak sa pambubugbog kay Vhong Navarro noong January 2014. May anak na babae sina Vina at Cedric.

SEEN: Ang pag-amin ni Robin Padilla na hindi nagkita sina Mariel Rodriguez at Vina Morales sa Bonifacio Day event noong November 30 dahil pinagtago niya ang kanyang asawa para hindi maagawan ng eksena sa entablado si Vina.

SEEN: Tuwang-tuwa si Gerard Salonga at ang mga miyembro ng ABS CBN Philharmonic Orchestra dahil hindi inaasahan na tatangkilikin ng publiko ang kanilang CD album.

SCENE: May concept at pinaghandaan ng ABS CBN management ang handog nila na Christmas party sa mga miyembro ng entertainment press. Mainit ang pagtanggap sa concert na tinampukan ng selected members of the press at ng ABS CBN Philharmonic Orchestra.

SEEN: Nakisaya si Judy Ann Santos sa Christmas party ng Kapamilya Network para sa entertainment media. Si Judy Ann ang nag-host ng game show na Bet on Your Baby.

SCENE: Muling ipalalabas simula ngayon hanggang sa December 24 sa mga piling sinehan ng Trinoma at Market! Market! ang mga pelikula ng Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival 2014 ang Tiyanak, Bacao, Hukluban, at Sigaw sa Hatinggabi.

ANG UNANG PANGULO

BONIFACIO DAY

CEDRIC LEE

GERARD SALONGA

JUDY ANN SANTOS

KAPAMILYA NETWORK

PHILHARMONIC ORCHESTRA

ROBIN PADILLA

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with