^

PSN Showbiz

Inisnab pa nang manghingi ng tulong, aktor-pulitiko kinalimutan na ang mga dating ‘supporter!’

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Masamang-masama ang loob ngayon ng isang manunulat sa isang aktor-pulitiko na tinulungan nito nu’ng nagsisimula pa lang sa pag-aartista.

Palibhasa’y sa isang komunidad lang sila nakatira, sobra-sobrang suporta ang ibinigay ng manunulat sa aktor na nakilala sa isang panghapong programa ng mga kabataan, walang bayad ang ginawang pag-ayuda ng manunulat sa aktor.

Pagkatapos nang mahabang panahon ay pumasok na nga sa mundo ng pulitika ang aktor, nagtagumpay naman siya, ngayon ay may magandang posisyon na siya sa isang kilalang-kilalang siyudad.

Nagkaroon ng problema ang manunulat, nangailangan ito ng tulong ng kanyang mga kasamahan, nagpasabi rin ito sa mga tauhan ng aktor-pulitiko dahil hindi siya sumasagot sa mga tawag ng reporter.

Kuwento ng aming source, “Pero nailibing na ang kaanak ng reporter, ni ha, ni ho, wala man lang siyang narinig mula sa pinaghirapan niyang pulitiko.

“Ni hindi nga siya pinahiram ng sasakyan na magagamit nu’ng libing, talagang deadma lang sa kanya si ____(pangalan ng aktor-pulitiko), takang-taka siya kung bakit nagkaganu’n sa kanya ang unang-unang taong inaasahan niyang tutulong sa matindi niyang problema,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Bukod sa reporter na nagpakahirap para sa aktor-pulitiko ay marami ring nagpapatunay na mukhang nakalimot na sa kanyang nakaraan ang kilalang personalidad na ito.

Ambisyoso kung tawagin siya ng iba, walang utang na loob naman ang paglalarawan sa kanya ng iba pa, hindi kagandahan ang kanyang imahe.

Nakakaalarma ang mga ganitong kuwento, malakas manghila pababa ang mga negatibong puwersa, kapag hindi nag-ingat ang aktor-pulitikong ito ay baka sa basura at hindi sa kangkungan siya pulutin.

Mayweather tuloy ang pang-iinis, Pacman inihahanda na ang sarili sa laban

Kung totoong-totoo sa loob ni Floyd Mayweather, Jr. ang pagtanggap nito sa hamon ng kampo ng Pambansang Kamao ay malapit na pala ang kanilang salpukan kung ganu’n.

May 2 ang binanggit na petsa ni Boy Daldal, ang problema lang ay wala naman itong ibinigay na taon, kaya may pagdududa pa rin si Pacman tungkol sa rebelasyon ng wala pang katalu-talong boksingero.

Pero kung sa darating na May 2 na nga ang kanilang paghaharap sa lona ay napakalapit na nu’n, limang buwan na lang pala ‘yun mula ngayon, kaya kailangan na ring maghanda ang ating manok na boxer para sa kanilang pagtutuos.

Aminado ang kanilang promoter na si Bob Arum na naghahanap pa sila ng mas malaking lugar para sa paghaharap nina Pacman at Mayweather, pinakahihintay kasi ng buong mundo ang pagsusukatan nila ng lakas, siguradong pag-iipunan ng mga sumusubaybay sa kanilang kartada ang labanan ng taon.

Buo ang paniniwala ng mga may malalim na alam sa boxing na tatalunin ni Pacman ang madaldal na boksingero. Hanggang kuda lang naman daw si Mayweather, hanggang sa pang-iinis lang, pero tutupi ang lakas nito sa Pambansang Kamao.

Ayaw kasi nitong madungisan ang kanyang record na walang talo, nu’n pa ito hinahamon ng kampo ni Pacman, pero madiwara ang madakdak na boksingero.

Ang dami-dami nitong kundisyones, pinagdududahan pa nitong may halong kakaiba ang lakas ng mga suntok ni Manny Pacquiao, kaya kailangan daw munang sumailalim sa drug test ang Pinoy boxer bago sila magharap.

Go, sabi naman ni Pacman, goooooooo!!!!

AKTOR

BOB ARUM

BOY DALDAL

FLOYD MAYWEATHER

LANG

MAYWEATHER

PACMAN

PAMBANSANG KAMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with