James Reid sa sis ni Kim Chiu: Friendly lang ako
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni James Reid na nagde-date sila ng nakababatang kapatid ni Kim Chiu na si Wendolyn.
Kumalat kasi ang larawan nina James at Wendolyn sa social media na kaagad pinagtsismisan ng kanilang mga fans.
“We've met a couple of times, we know each other,” sagot ni James sa “Bandila” ng ABS-CBN kagabi.
Aniya nakilala niya si Wendolyn dahil sa kanilang common friend na si Andi Eigenmann.
Sinabi pa ni James na “I'm just being friendly” tungkol sa pagte-text nila na umano'y pinost ni Wendolyn sa kanyang social media account.
Sa ngayon ay wala munang balak mag-girlfriend ulit si James matapos mawakasan ang tatlong-taong relasyon niya sa singer na si Erika Villongco.
Dagdag niya na nais niya munang pagtuunan ng pansin ang kanyang career.
- Latest