^

PSN Showbiz

Alice nakagat ng tigre sa hita!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakaloka ang nangyari kay Alice Dixson, kinagat kasi ito sa hita ng three months old Bengal Tiger na nilalaro lang daw niya. Pinost nito sa Instagram (IG) ang hita na kinagat ng tiger na nangingitim pa.

Hindi lang nagbigay ng details si Alice kung paano at saan siya kinagat ng Bengal Tiger. Mabuti at hindi siya napuruhan dahil kahit baby, tiger pa rin ‘yun, no!

Sana nasa grand presscon ng Shake, Rattle & Roll XV si Alice para maikuwento ang nangyari sa kanya. Kasama si Alice sa Ahas episode, kaya lang, cameo lang yata siya sa role ng mother ni Erich Gonzales.

Daniel at Kris magkasamang magnu-New Year sa Japan?!

Makakasamang manood ni Daniel Matsunaga ng Shake, Rattle & Roll XV sa showing nito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanyang pamilya. Except for a brother, kumpleto ang pamilya rito ni Daniel dahil ang dad niya ay darating from Brazil. Ang sister niya, dito na nakatira at ang ina ay ilang buwan nang naririto sa ‘Pinas.

Siya raw ang magiging translator ng family niya sa Tagalog dialogue. Tiniyak nitong magugustuhan at matatakot ang family niya sa Flight 666 episode na “exciting movie” ang description niya.

Sobrang fruitful ang 2014 ni Daniel sa rami ng projects at pi­nag­ha­handaan na niya ang 2015. Ang dream ni Daniel for 2015 ay maging leading man siya at kundi ang Regal Entertainment, baka ang Star Cinema ang makapagbigay sa kanya ng lead role.

Sa Japan pala magnu-New Year sina Daniel at ang kanyang pamilya at tinukso na naman ito dahil sa Japan din magnu-New Year sina Kris Aquino at mga anak na sina Josh at Bimby. Baka raw may usapan sila ni Kris na magkita sa Japan.

Nagbabalik-showbiz na singer-actress nagpapanggap na milyonesang talent fee kahit hindi naman sikat

Ayaw paniwalaan ang press release ng isang comebacking singer-ac­tress (SA) na P2M ang talent fee niya sa teleseryeng gagawin sa isang major network. Ipinagmalaki nitong binigyan na siya ng P1M down payment ng network para sa one season ng sisimulang tele­serye.

Pare-pareho ang reaction ng mga nakaalam sa press release ni SA, OA raw ito sa pagmamalaki ng TF na tatanggapin. Paano naman paniniwalaan si SA na babayaran ng ganoon kalaki, hindi naman siya big player sa industry?

Hindi kilalang magaling na aktres si SA para bayaran ng ganun kalaki. Never din siyang sumikat nang husto at siguradong marami ang hindi na nakakakilala sa kanya dahil matagal siyang nanirahan sa ibang bansa. Saka, maraming mas sikat at mas magaling sa kanya para bayaran ng network ng P2M TF.

Ano kaya ang rason ni SA para pangunahan ng press release ng TF niya ang kanyang pagbabalik? At least, medyo umingay siya dahil sa press release niyang ito. Harinawang hindi ma-turn off ang network sa ginawa ni SA at kunin pa rin siya sa te­leserye na sisimulan next year.

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

BENGAL TIGER

DANIEL MATSUNAGA

ERICH GONZALES

KRIS AQUINO

NEW YEAR

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with