TV5 ayaw na sa established personalities, mas magiging masigasig sa pagdiskubre ng mga baguhang may potential
MANILA, Philippines – Magkakaroon ng instant Artista Search, bonggang fireworks display at iba’t ibang games and surprises ang TV5 sa pagsalubong sa 2015 sa kanilang grand free-for-all spectacular countdown sa Quezon City Memorial Circle on New Year’s Eve. Ito ay matapos silang makipag-pirmahan ng memorandum of understanding kay QC Mayor Herbert Bautista para sa isang magarbo at masayang pagsalubong sa 2015.
Magiging host ng event sina Ogie Alcasid, Derek Ramsay, Alice Dixson and Jasmine Curtis.
Magsisimula ang event ng 2:00 p.m. Kaya kung plano ninyong dumayo sa QC Circle sa huling araw ng 2014, wear na kayo ng best dress ninyo dahil baka maka-jackpot pa kayong madiskubre ng TV5. Ang plano kasi ng network ngayon ay mag-search and build ng mga bagong artista at hindi na sila basta na lang magko-kontrata ng mga artista ayon mismo kay Mr. Noel Lorenzana, ang president and CEO ng network. As in hindi na priority ang ‘buying’ established personalities.
Bukod sa Artista Search, ayon kay Ms. Wilma Galvante, CECO ng TV5, sa Canada pa gagawin ang fireworks, ito rin ang same group na nag-champion sa Pyromusical Competition 2013 na taun-taon ginaganap sa bansa.
At lahat nang mangyayari sa QC Circle, live na mapapanood sa TV5.
Ang nasabing event ay kasama sa kanilang kampanya next year na Happy 2015 and to spread more joy, inspiration and happiness sa kanilang mga bagong programang naka-line up.
Sasalubong ang gagawin nilang local version ng Hi Five na magiging High-5 Philippines, ang local edition ng world famous and iconic children’s show.
Kasama rin ang Happy Wife, Happy Life, a lifestyle reality show featuring the wives and partners of PBA superstars; ang E5, a sassy showbiz fashion and lifestyle program at ang Extreme Challenge: Kaya Mo Ba Ito, a show na umaapaw sa death-defying stunts hosted by Derek Ramsay kasama ang racers ng The Amazing Race Philippines.
Para sa High 5 Philippines, magkakaroon sila ng search sa limang magho-host ng programa na kinababaliwan ng mga bata.
Nora wala nang aasahang kontrata?!
Kumpirmado rin na wala na sa kanila ang superstar na si Nora Aunor. Last October pa pala natapos ang kontrata nito.
Maging si Aga Muhlach ay tapos na rin ang kontrata. Sa case ni Megastar Sharon Cuneta, ayon kay Mr. Lorenzana, malungkot sila pero meron naman daw pinagsamahan.
Marami pang mga plano ang TV5 sa pag-ayaw nila sa ‘negativity’ sa 2015.
- Latest