Neri ganap na Mrs. Chito Miranda na
PIK: Pinatunayan talaga ni Julie Anne San Jose na kayang-kaya na niyang magdala ng solo concert.
Hindi man punung-puno, pero talagang dinagsa si Julie Anne ng fans niya sa kanyang Hologram concert na ginanap sa SM-MOA Arena kamakalawa ng gabi.
May ilan kaming kaibigan galing sa ibang bansa at hindi nila gaanong kilala si Julie Anne. Namangha sila sa galing ng Asia’s Pop Sweetheart na hindi mo nakitaan ng pagod sa performance niya sa naturang concert.
Congratulations kay Julie Anne San Jose dahil talagang napasaya niya ang lahat sa kanyang Hologram concert.
PAK: Isinusumpa na ng mga talent coordinator itong dating aktor na hindi na gaanong active sa pag-aartista dahil abala na ito sa pagma-manage sa career ng asawa niyang mas sikat ‘di hamak sa kanya.
Ang hirap daw kausap nitong si dating aktor, lalo na’t humihingi ka ng schedule ng kanyang asawa.
Dapat daw magtaray ka muna sa text bago ka sagutin na hindi naman pala puwede.
Ang dami raw kaartehan nito at kung anu-anong requirements bago niya tanggapin ang isang project.
OA raw ang pagiging manager na sobrang protective sa kanyang asawa.
Naintindihan naman daw nila kung over-protective ito, pero sana marunong lang daw sumagot sa text at tawag kapag merong pina-follow up na schedule.
BOOM: Ikinasal na sina Chito Miranda at Neri Naig sa tanggapan ni Mayor Lani Cayetano ng Taguig kamakalawa ng hapon.
‘Yung kahapon na ginanap sa Tagaytay ay reception na lang pala na kung saan doon nila inimbita ang mga kaibigan at mga katrabaho.
Hindi raw sila nag-imbita sa kanilang civil wedding dahil mga pamilya lang talaga ang kasama nila.
Mas gusto nila ang tahimik lang na seremonya kaya tumanggi silang magpa-cover sa media.
Kahit si Chito ay ayaw na ring magpa-interview dahil mas gusto niya ang tahimik lang na kasalan.
Nag-post lang si Chito sa kanyang Instagram account ng “Sa wakas…mag-asawa na kami!!! Done with the 1st ceremony. 12-13-14.”
- Latest