Maja binawian ng trabaho si Erich!
MANILA, Philippines - Balik-Sisters si Maja Salvador. Yup, pinalitan niya uling endorser ng iba’t ibang klase ng napkins and pantyliners si Erich Gonzales.
Isa si Maja sa mga naunang endorser nang kilalang masang brand ng napkin na Sisters. Pansamantala siyang namahinga, pero sa latest campaign ng Sisters, si Maja ang nag-iisang choice ng may-ari nitong si Ms. Aileen Go. “Swak siya sa viral campaign namin. Wala kaming naisip na iba. Saka mabait kausap si Maja. Walang arte sa katawan,” sabi ni Ms. Aileen in a chance interview last week.
Sa probinsiya pala unang sumikat ang Sisters particularly sa Mindanao dahil personal na naglilibot si Ms. Aileen na may-ari ng kumpanyang Mega Soft. At wala raw itong (Maja) arte-arte pag kasama nila ang singer-actress sa pag-‘iingay’ sa probinsiya kaya alam nilang malaki ang naitulong nito.
Pero nang tanungin namin kung sino kina Maja at Erich ang mas malaki ang talent fee, ngiti lang ang sagot ni Ms. Go.
Fourteen years ago na sa ganitong negosyo ang Mega Soft Hygienic Products Inc. At ngayon nga raw ay affected ang kumpanya nila ng port congestion. Imported daw kasi lahat ng materials nila kaya talagang hirap sila sa problema sa mga daungan sa Manila.
Ngayon everyday, 50 trucks of napkins at iba pa nilang products, dahil nag-expand na rin sila sa cologne, diaper, at ilang baby products, ang dini-deliver ng kanilang Megasoft Company. Meron silang 2,000 workers at 24 hours ang kanilang operation.
Pamilya ni Carmina at BB nagpang-abot sa ASAP
Hmmm, nagkita-kita kaya sa ASAP kahapon ang pamilya Legazpi – Zoren, Carmina, at kambal na sina Cassy and Mavy at ang ex ni Carmina na si BB Gandanghari?
Guest si BB sa ASAP That’s Christmas para sa Xmas Rappers na grupo ni Daniel Padilla at kasama naman sa isang dance number ang kambal ng mag-asawang Zoren and Carmina at binanggit ni Toni Gonzaga sa interbyuhan portion sa kambal na andun daw ang mga magulang ng dalawa.
At least kung nagkita-kita sila, parang reunion na rin. Hahaha.
Anyway, nakaka-touch sina BB at ang pamangkin niyang si Daniel. Payakap-yakap pa ang Teen King sa kanyang tita na parang supermodel ang pino-project na image. Good thing nanalo pa ang grupo nila.
Ryan Ryan musikahan nagpa-christmas special!
May pa-Pasko ang Jeepney TV sa fans ng iconic ABS-CBN musical program na Ryan Ryan Musikahan, ang Ryan Ryan Musikahan: Home for Christmas na napanood kagabi (Disyembre 14).
Nagpamalas ng kanilang galing ang mga nagsisikatang personalities na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, The Voice of the Philippines coach Bamboo, singer-songwriter Aiza Seguerra, at First Lady of Philippine Musical Theatre Menchu Lauchengco-Yulo kasama ang nag-iisang musical genius na si Ryan Cayabyab.
Tumugtog din ng mga paborito nating Christmas songs ang musical director na si Gerard Salonga kasama ang Orchestra of the Filipino Youth (OFY). Ang Advertiser’s Chorale ay nagpakitang gilas din sa isang fun-filled number.
Tampok din sa Christmas special ang unique brand ng musical entertainment na pinakilala ni Maestro Ryan Cayabyab na umani ng parangal para sa show niyang Ryan Ryan Musikahan noong dekada 80’s at 90’s.
Napanood ito sa Jeepney TV kagabi at ang replays nito ay ipalalabas sa Disyembre 20 (Sabado), 9-11 p.m. at January 1 (Thursday), 9-11 p.m.
- Latest