Dingdong hindi nakikiuso sa mga artistang mahilig magpahintay
Ang soon-to-be-groom na si Dingdong Dantes ang pinakamaagang dumating sa presscon ng kanyang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Kubot: The Aswang Chronicles 2 kung kailan nagsisimula pa lamang magsidatingan ang mga naimbitahang entertainment press. Ipinakita lamang ni Dingdong ang kanyang pagiging professional sa kabila ng kanyang very tight schedule.
Sa totoo lang, Salve A., mabibilang mo sa daliri ang mga artista na dumarating on time sa ipinapatawag na presscon para sa kanila. Maging ang mga kabataang artista ay nahawa na rin sa mas senior actors or stars sa pagdating ng late at hindi kinu-consider na may sariling buhay din ang mga entertainment writers and editors na parati ring naghahabol ng kani-kanilang deadlines.
Bukod sa pagiging professional sa kanyang trabaho, pinahanga rin ni Dingdong ang marami dahil sa kabila ng kanyang nalalapit na kasal sa kasintahang si Marian Rivera, hinaharap pa rin nito ang kanyang obligasyon bilang bida at co-producer ng Kubot.
Rita nakatanggap ng Christmas gift mula sa Santo Papa
Advance Christmas blessing and gift ang tinanggap ng aktres na si Rita Avila na isang liham galing Vatican kung saan ipinaabot ng Santo Papa (Pope Francis) ang isang liham sa pamamagitan ng Assessor ng Vatican na si Msgr. Peter B. Wells.
Ang liham ay bilang kasagutan ng mahal na Santo Papa sa dalawang librong isinulat ni Rita na kanyang ipinadala sa Vatican na may titulong 8 Ways To Comfort with Grace at The Invisible Wings na isinulat ni Rita matapos sumakabilang-buhay ang kanilang one-month old son ng kanyang husband na si Direk FM Reyes na si Elia Jesu. Hindi umasa na makararating sa mahal na Santo Papa ang dalawang libro ni Rita at hindi rin siya umasa na makatatanggap siya ng liham galing sa Vatican bilang acknowledgment na natanggap at nabasa ng Santo Papa ang dalawang libro ni Rita.
Ang liham mula sa Vatican ay daig pa ng isang acting trophy para kay Rita na masayang-masaya ngayon ang pakiramdam.
- Latest