^

PSN Showbiz

Richard Yap nawawala ang pagka-wholesome ‘pag kasama si Vice

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na si Richard Yap sa isang malaking pelikula. Kasamang bida ni Vice Ganda ang aktor sa pelikulang The Amazing Praybeyt Benjamin na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Para kay Richard ay gusto niyang subukan ang iba’t ibang roles sa pelikula maging ang pagiging kontrabida. “It depends kung anong offer. Kasi hindi naman pwedeng magpipilit ako na sumali kung walang offer. Kung maganda naman ‘yung role, yes of course. We’re here to take on challenges and to learn naman,” nakangiting pahayag ni Richard.

Apat na taon na ngayon sa show business ang aktor kaya marami na raw siyang natutunan mula sa kanyang mga naging proyekto noon katulad ng teleser­yeng Be Careful With My Heart. “Siyempre noong pumasok ako baguhan lang ako. So through experience, marami rin akong natutunan sa mga nuances. How to act, sa pagbitaw ng lines. I guess on-the-job training ko rin and it’s a continuous process. So you can’t stop from learning,” paliwanag ni Richard.

Matagal nang magkaibigan sina Richard at Vice kaya nasasakyan na raw ng aktor ang ‘green humor’ ng komedyante. “Si Vice okay, mabait sa akin. Ang tagal naming magkaibigan eh. It’s very nice working with him. Kasi comfortable naman kami magkasama. Noong nag-show kami sa Europe, magkasama kami. So we know each other quite well. Minsan may mga jokes lang tayo na hindi masyado wholesome. Siyempre bumabagay ako sa mga joke nila. Sila naman nauuna, gumaganti lang ako,” natatawang kwento ng aktor.

Beauty umaasang makakasama na habang-buhay ang bagong bf

May bagong kasintahan na ngayon si Beauty Gonzales. Matatandaang nagkahiwalay ang aktres at ang dating nobyo nitong si Julsar De Guia kamakailan. Hindi rin artista ang kasintahan ngayon ni Beauty na si Norman Crisologo.

Nagkakilala raw ang dalawa sa pamamagitan ni Ellen Adarna. “Nakita niya (Norman) ako sa magazine and he was looking for my number. Best friend niya si Ellen tapos ayun, nakuha niya ‘yung number ko kay Ellen,” kwento ni Beauty.

Ayon sa dalaga ay umaasa siyang si Norman na ang makakasama niya sa habang buhay. “Sana, lahat naman tayo ‘pag pumapasok sa relationship, ipinagdarasal natin na ito na. Sana ito na ‘yung magiging ‘the one’ ko. Everything is going well naman so far,” giit ni Beauty.

Marami na raw natutunan ang aktres pagdating sa pag-ibig mula sa kanyang naging relasyon noon. “Always love yourself first before you love someone else. Think about yourself, your future, kung anong mangyayari,” pagbabahagi pa niya.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

BE CAREFUL WITH MY HEART

BEAUTY GONZALES

ELLEN ADARNA

JULSAR DE GUIA

KASI

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAMAN

NORMAN CRISOLOGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with