^

PSN Showbiz

Isabelle ayaw nang patulan ang problema kina Kim at Toni

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi si Isabelle Daza ang umako sa role na hindi ginawa ni Lovi Poe kundi ang baguhang si Hanna Ledesma

Naka-recover na si direktor Erik Matti sa galit sa ginawang pagtanggi ni Lovi Poe na gawin ang sequel ng  Kubot: The Aswang Chronicles na isa nang ganap na franchise ngayon. Naganap ang pormal na pirmahan ng kontrata sa pagitan ng Reality Entertainment, Agosto Dos, at ng GMA Films dun mismo sa presscon ng movie.

Ipakikita ng pelikula ang isang bagong uri ng aswang, ang kubot, mga asawa ng tiktik na nakilala natin sa una at orihinal na istorya. May mahahaba silang buhok na may kapangyarihang gawin ang kanilang buhok na parang tentacles o galamay para mapisil nang todo ang lamang loob ng mga biktima at lalabas na lang ng parang gel. Pamumunuan sila ni Elizabeth Oropesa na gaganap bilang asawa ng character ni Roi Vinzon na siya namang pinuno ng mga tiktik.

Inamin naman ni Isabelle Da­za na tahimik siya nung na­sa Eat Bulaga siya pero nang lumipat siya ng istasyon ay biglang nagkaroon ng napakaraming isyu tungkol sa kanya na involved ang mga bago niyang kasama sa ABS CBN. Tulad nina Toni Gonzaga at Kim Chiu.

“I never said that they were baduy. Bigla na lang lumabas. They say that it comes with the territory. What can I do kaya, okay na lang,” paliwanag ng bagong Kapamilya at kasama sa cast ng Kubot: The Aswang Chonicales na inaasahan niyang  maipo-promote  sa ABS-CBN. Ipinangako niya na kahit hindi siya imbitado ay pupunta siya sa Christmas  party ng Eat Bulaga.

Bukod sa matinding storyline ipinagmamalaki ng movie ang mga special effects na kanilang ginamit.

OPM Hitmen biglang naging in demand

I’m sure masayang-masaya si Cristy Fermin dahil hindi mahulugang kara­yom ang mga pumunta para manood ng pinrodyus niyang concert sa Zirkoh Morato nung Huwebes ng gabi. Hindi lamang sa loob ng Zirkoh nagsisiksikan ang tao, maging sa labas ng venue ay walang maparadahan. Bukod sa mga nakahilerang kotse sa harap nito may isa pa ring bus na puno ng mga taga-Bulacan na talagang bumyahe pa pa-Manila para mapanood ang  unang pagsasama ng apat na OPM Hitmen na nagsama sa isang palabas sa unang pagkakataon. Wala namang umuwi na hindi nakangiti. Paano kasi nakapanood sila ng isang pa­labas na talaga namang maganda at muling nagpa­malas ng kaga­lingan sa pagkanta nina Rannie Ray­­mundo, Chad Borja, Richard Reynoso, at  Renz Verano. Kung sino man ang nakaisip na pag­samahin ang apat ay talaga namang wagi dahil hindi magiging huli ang pagsasama nila sa Zirkoh Morato. Magiging simula lamang ‘yon dahil ngayon pa lamang ay may kumukuha na sa kanila para sa apat na palabas sa Canada at dalawa sa US. Mayroon ding alok na bumyahe ng Pilipinas para ulitin ang kanilang kons­yerto na halos ayaw matapos ng manonood dahil nga sa ganda ng palabas.

Kung hindi ko sila napanood muli, hindi ko pa mari-realize na na-miss ko na pala sila. Ang ganda ng kanilang pagsasama, walang patalbugan ang isa’t isa.

Magaling nang kumanta ang anak ng isa sa Apat na Sikat nung 80’s na si Lala Aunor. Bukod sa ma­ga­ling gumawa ng kanta ang anak niyang si Marion Aunor ay ma­galing din itong mag-perform, seksi kahit hindi nagpapaseksi.

Kasama rin naming nanood at ka-table namin nina Manay Cristy at Er­linda Rapadas ang ina ni Aljur Abrenica na si Amor Abrenica. Mahilig ito sa musika at nakikikanta rin sa mga performer.

It was one evening of great entertainment. Sala­mat kay Erlinda Rapadas na siyang nagdala sa akin sa Zirkoh Morato at kay Manay Cristy Fermin na siyang tumanggap sa akin ng maayos at pinaasikaso pa sa kanyang staff.

Aljur kay Kylie : ‘Mahal pa rin kita’

Inamin naman ni Aljur Abrenica nang pumayag siyang maging guest interviewee sa isang pag-uusap tungkol sa feature writing na inayos ng aking kaibigan sa panulat na si Nestor Cuatero na nagtuturo sa UST College of Arts & Letters na sa kabila ng mga pinagdaanan nilang intriga ng kanyang naka-partner sa Kambal na Sirena ng GMA na si Louise delos Reyes ay malaki ang pasasalamat niya na nagkasama sila sa isang proyekto. “Nakatagpo ako ng isang best friend na isang babae. Hindi ko akalain na puwede akong maging kumportable sa isang babae,” pagtatapat ng aktor.

Sinabi rin ni Aljur na may kanta siyang ginawa para sa ex-girlfriend niyang si Kylie Padilla na ka­sa­ma sa bago niyang album na ang pamagat ay Mahal Pa rin Kita.

May pag-uusap nang nagaganap sa pagitan ni Aljur at ang nakagalitan niyang network. Kung magpapatuloy ito, baka sa susunod na taon ay makita siyang nagtatrabahong muli sa GMA.

 

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BUKOD

SHY

ZIRKOH MORATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with