Pero ibang klase ang husay concert ni Lani Misalucha na-perwisyo ng hagupit, Araneta hindi raw napuno, mga nanood matamlay
MANILA, Philippines - Sayang at hindi ako nakapanood ng concert ni Lani Misalucha last Saturday sa Araneta Coliseum. Ito kasi ‘yung araw na inaasahang darating ang bagyong Ruby anytime sa Metro Manila.
Kaya naman, apektado raw ang Nightingale concert ni Ms. Lani. Hindi raw napuno ang Araneta at hindi masyadong concentrated ang mga nanood. Eh pagkahusay-husay daw ni Lani. World class talaga ang dating kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Pero talaga raw dry ang reaction ng audience. Walang masyadong standing ovation at parang wala raw ang concentration ng mga nanood sa paghataw ni Lani.
Feeling ng source ko, disappointed din maging si Lani sa nangyari sa kanyang concert.
Sigurado kasing nasa bagyo ang utak ng mga nanonood. Iniisip malamang nila na baka pag-uwi nila, bagyo na. Hirap nga namang mag-enjoy pag may ganun kang iniisip.
Eh hindi na nga naman puwedeng iurong ang nasabing concert dahil naurong na ‘yun.
Solenn engaged na rin!
Engaged na rin si Solenn Huessaff sa live in partner niyang Argentine na si Nico Bolzicco.
Kumalat ang engagement nila nang i-upload ng boyfriend ni Isabelle Daza na si Adrien Semblat ang magka-live in na may caption na ‘engaged.’
Meaning malabo pang magpakasal si Anne Curtis sa kapatid ni Solenn na si Erwan Heussaff.
Nauna nang sinabi ni Solenn na sa Paris niya gustong pakasal. Sa Paris naka-base ang pamilya ni Solenn bago sila nagbalik-bayan para mag-showbiz.
Katatagan ng mga Pinoy bidang-bida sa Pasko ng Dos
Nagsama-sama ang pinakamalalaking bituin ng ABS-CBN sa isang gabing hitik ng pasabog at sorpresa para sa taunang Christmas special nito na ipapalabas ngayong Sabado (Disyembre 13) at Linggo (Disyembre 14).
Tampok sa Kapamilya Magkapiling Tayo Ngayong Pasko ang pagsasanib-puwersa ng bigating performers na sina Lea Salonga, Gary Valenciano, Sarah Geronimo, Charice, Martin Nievera, Lani Misalucha, Arnel Pineda, Bamboo, Zsa Zsa Padilla, at Piolo Pascual.
All-out rin ang world-class entertainment sa movie musical production number nina Anne Curtis, Toni Gonzaga, Kim Chiu, KC Concepcion, Shaina Magdayao, Vhong Navarro, at Jhong Hilario tampok ang mga popular na kanta sa Chicago, Moulin Rouge, Burlesque, at The Great Gatsby.
Huwag ding palampasin ang Kapamilya favorites na sina Kris Aquino, Judy Ann Santos, Vice Ganda, Boy Abunda, Angel Locsin, Bea Alonzo, Xian Lim, Luis Manzano, Gretchen Barretto, Dawn Zulueta, Richard Gomez, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Alex Gonzaga, Nikki Gil, Vina Morales, Kim Atienza, Iza Calzado, Erich Gonzales, Kaye Abad, Yael Yuzon, Denise Laurel, Amy Perez at Roderick Paulate na nagtanghal rin sa concert.
Magpapakilig naman ang hottest Kapamilya love teams na pinangungunahan nina Teen King and Queen Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Nash Aguas at Alexa Ilacad, Nadine Lustre at James Reid, Janela Salvador at Marlo Mortel.
Tiyak ring magpapatili ang Kapamilya heartthrobs John Lloyd Cruz, Coco Martin, Enchong Dee, Zanjoe Marudo, Gerald Anderson, Jake Cuenca, Richard Yap, Jericho Rosales, Joseph Marco, EJ Falcon, Matteo Guidicelli, JC De Vera, Jason Abalos, Deither Ocampo, Sam Concepcion, at Paolo Avelino.
Tampok rin ang mga timeless Christmas songs sa ABS-CBN 2014 Christmas special ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pangunguna ni Maestro Ryan Cayabyab at musical director Gerard Salonga. Aawit rin ang ilan sa mga paborito nating Christmas songs sina Jamie Rivera at The Company.
Pero ayon kay ABS-CBN chairman Eugenio “Gabby” Lopez III, sa kabila ng kasiyahan at kinang sa buong gabi, ang tunay na bida sa two-part special ng Kapamilya network ay ang katatagan at pananampalataya ng mga Pilipino sa Diyos sa kabila ng anumang pagsubok.
Ang Kapamilya Magkapiling Tayo Ngayong Pasko ay ipapalabas sa Sabado (Disyembre 13) at Linggo (Disyembre 14), 9:30PM sa ABS-CBN Channel 2.
- Latest