Goin’ Bulilit star Chacha Cañete nasungkit ang 2nd place sa Europop 2014 sa Berlin
MANILA, Philippines – Napatunayan ni Chacha Cañete na siya ang tunay na little big star sa Europop 2014 sa Berlin, Germany nang tanghalin siyang 2nd place winner sa 10-13 age group category noong Nobyembre 28-30.
Bilang pinakabata at pinakamaliit na contestant sa international singing competition, tinalo ni Chacha ang 17 na iba pang kalahok sa kanyang category, ang pinakamahirap na pangkat sa mga age brackets. Si Chacha ang tumanggap ng silver medal matapos niyang kantahin ang The Impossible Dream bilang worldwide hit entry niya at Wish para sa kanyang original song/national hit performance. Ang kantang Wish ay original song ni Chacha na tampok sa kanyang Bulilit Rockstar album. Ang mga puntos ng mga kanta ng participants ay ipinagsama-sama para malaman ang mga nagsipagwagi.
Kilala bilang crowd charmer, si Chacha ay naging audience favorite at isa sa mga pinakamalakas na pinalakpakan noong siya ay nagpe-perform. Nakaani rin si Chacha ng maraming papuri sa Europop 2014.
Big winner din ang Pilipinas sa Europop 2014 dahil panalo rin ang iba pang Pinoy sa ibang mga kategorya: Ana Katrina Ramsey (1st place, 18-24 division); Gleenete Gaddi (3rd place, 14-17 division) and Gian Marla Gloria (4th place, 18-24 division).
Samantala, dadalhin ng Goin’ Bulilit ang summer sa Disyembre ngayong Linggo (Disyembre 14) para sa second part ng Boracay episode kabilang na rin ang mga paborito nating segments na Umagang kay Bongga,’ David Salon Spoof’ at Sinetch si Itey.’
- Latest