Medyo sikat na aktor nagkalat ang hubo’t hubad na litrato! Chito Miranda tumatangging magsalita sa kasal nila ni Neri Naig
PIK: Sayang at hindi na natapos ang 7th Bridal Shower ng Eat Bulaga kay Marian Rivera nu’ng nakaraang Sabado.
Kinulang na sa oras kaya pinutol na ito, na ikinairita ng mga fans siyempre nina Dingdong Dantes at Marian.
Kung natapos sana iyun, ang panghuling gagawin nina Jose Manalo at Wally Bayola ay basain si Marian bilang bridal shower naman niya ito.
Hindi napigilan ni Marian na maiyak sa inihanda ng Eat Bulaga sa kanya.
Samantala, may nagkuwento sa aming nakita raw si Dingdong sa St. Luke’s Global kamakalawa ng hapon kasama si Marian.
Sabi ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan, nagpa-check-up lang daw ang aktor dahil medyo masama ang pakiramdam nito.
PAK: May kumalat na naman na litrato ng kilalang aktor na hubo’t hubad at nakatambad ang naghuhumindig niyang sandata.
Hindi naman kitang-kita ang mukha ni aktor pero sa hugis ng mukha at katawan ay parang sa kanya.
Medyo bagets pa itong si aktor at magaling siyang umarte. Matagal na siyang natsitsismis na bading pero itinatanggi naman niya.
Ang nakakaintriga pa sa naturang aktor ay ang post niya sa kanyang Instagram (IG) account kamakailan lang na litrato ng isang mukhang lalaki na binati niya ng Happy birthday at tinawag niyang “sister”. Unless, girl itong nasa litrato at mukhang lalaki lang talaga.
BOOM: Pagkatapos ng kasal nina Bianca Gonzales at JC Intal, ang susunod na inaabangan ng lahat ay ang royal wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Pero meron pa palang isang kasal na pinaghahandaan na magaganap sa December 14.
Ito ang kasal nina Chito Miranda at Neri Naig na isang Christian wedding daw na gaganapin sa isang garden sa Tagaytay,
Tahimik lang ang magkasintahan sa kanilang plano. Although hindi naman nila itinatago ang buong detalye ng kanilang kasal. Pero tumatanggi silang magpa-interview dahil mas gusto raw nilang gawing pribado ang seremonya ng kanilang kasal.
Tuloy pa rin naman ang trabaho ni Neri na kabilang sa Dream Dad ng ABS-CBN 2 at si Chito naman ay may mga gigs pa sila ng Parokya ni Edgar. Pero ngayon daw ay humihingi na sila ng bakasyon bilang paghahanda sa nalalapit nilang kasal.
- Latest