Bukong ‘di sumusunod sa batas, Sec. Mar inulan ng batikos dahil sa helmet
Si Jay Ilagan ang pumasok sa isip ko nang makita ko ang litrato ng pagsemplang ng motorsiklo na sinasakyan ni DILG Secretary Mar Roxas.
Hindi na kilala ng mga bagets si Jay dahil namatay ito noong February 1992. Nabagok ang ulo at hindi na nagkamalay si Jay nang sumemplang sa Morato Avenue ang motorsiklo na sinasakyan niya.
Sa susunod na magpapatakbo ng motorsiklo si Papa Mar, it’s a must na magsuot siya ng helmet or else…
Kita n’yo naman, naaksidente na nga si Papa Mar sa Samar, nakatikim pa siya ng mga panglalait dahil sa hindi niya pagsusuot ng helmet.
Mismong nasa puwesto matigas ang ulo Sec. Edwin Lacierda sumuway din sa batas!
Pasahero ni Papa Mar si Malacañang Spokesman Secretary Edwin Lacierda. Nakaangkas si Papa Edwin sa motorsiklo na pinatatakbo ni Papa Mar at hindi rin siya gumamit ng protective helmet.
Naalala ko ang pralala ni Papa Edwin sa komento ko nang pumutok ang kontrobersya tungkol sa kaso ni Janet Napoles.
Tandang-tanda ko na September 2013 nang sabihin ni Papa Edwin sa mga reporter na “Naku naman, I don’t want to comment on Lolit Solis. What I’m saying is that we will not be going to dignify a statement coming from a showbiz…”
Kung hindi ako sineseryoso ni Papa Edwin, sineseryoso ko ang hindi niya pagsusuot ng protective helmet dahil labag ito sa Mandatory Helmet Act of 2010 (An ACT mandating all motorcycle drivers to wear standard protective motorcycle helmets while driving).
Dahil sa hindi nila pagsusuot ni Papa Mar ng helmet, lumabag sila ni Papa Edwin sa batas at hindi ito puwedeng mag-deny dahil dokumentado ng video ang pag-angkas niya sa motorsiklo habang nililipad-lipad ng hangin ang kanyang buhok.
May bad effect ang ginawa nina Papa Mar at Papa Edwin dahil nag-dialogue ang mga pasaway na bakit sila susunod sa batas kung mismong ang mga nasa puwesto ang sumusuway.
Sam Concepcion mahal na ng LGBT
Salamat sa Diyos, hindi nasalanta ng Typhoon Ruby ang Metro Manila noong Lunes.
Mababaw ang tulog ko noong Lunes ng gabi dahil inaabangan ko nga ang pagdating ng Typhoon Ruby, ayon sa PAGASA.
Hanggang sa makatulog ako, walang malakas na hangin at ulan na naranasan ang Metro Manila kaya nagpapasalamat ako kay God.
Maagang nagsara ang mga mall noong Lunes dahil sa directive ng MMDA pero wise move ang pasya ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na huwag kanselahin ang engrandeng opening ng 1st Quezon City International Pink Film Festival sa activity center ng TriNoma.
Dedma ang mga bading, tomboy, at transgender sa Typhoon Ruby dahil dinayo nila ang opening ng QCIPFF, suot ang kanilang mga film outfit.
Tuwang-tuwa ang mga organizer ng event sa pangunguna ng actor/director na si Soxy Topacio dahil big success ang unang araw ng international pink filmfest.
Pinilahan din ng manonood ang screening ng #PinQCity, ang opening film ng QCIPFF.
Nagpapasalamat ang LGBT Community kay Papa Herbert, Vice Mayor Joy Belmonte, at sa mga opisyal ng Quezon City dahil sa pagpapahalaga na ibinigay sa kanila. Hindi magkakaroon ng katuparan ang Pink filmfest kung hindi ito suportado ng Quezon City government.
Dumalo sa opening night ng QCIPFF ang mga konsehal ng Quezon City, kabilang si Roderick Paulate at nag-perform si Sam Concepcion na lalong minahal ng LGBT community dahil sa suporta niya. Mainit na mainit ang pagtanggap kay Sam ng mga gay and lesbian.
- Latest