^

PSN Showbiz

Confident si Vice: Vice inaangkin ang no. 1 sa MMFF

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ganda na malalagpasan ng kanyang The Amazing Praybet Benjamin ang una niyang ginawang The Unkabogable Praybeyt Benjamin na idinirek din ng box-office director na si Wenn Deramas ganundin ang 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na kumita ng P426M.

“We made it a point na twice the fun ang The Amazing Praybet Benjamin at tiyak na mag-i-enjoy ang mga manonood,” paniniguro ni Vice Ganda.

Kung si Derek Ramsay ang leading man ni Vice Ganda sa unang franchise ng Praybet Benjamin, si Richard Yap naman ang kanyang kasama dito na napakainit ngayon dahil sa katatapos pa lamang na hit morning TV seies na Be Careful with My Heart katambal ni Jodi Sta. Maria.

Pinanghahawakan ni Vice at ng kanyang MMFF movie na Girl, Boy, Bakla, Tomboy ang highest grossing Filipino movie of all time.

Ang MMFF ay magbubukas sa mga sinehan nationwide simula sa December 25, araw ng Pasko.

LJ at Jimmy may bagong anak na

Isang baby girl ang isinilang ni LJ Moreno (pamangkin ni Alma Moreno) courtesy of her cager-husband na si Jimmy Alapag ng Gilas Pilipinas. Isinilang ni LJ ang kanilang first baby (in four years) last December 5 na kanilang pinangalanang Keona Skye.

Bago isinilang ni LJ ang first baby nila ay na-legalize na rin nila ang adoption ng isang two-year-old boy na siya nilang itinuturing na panganay nilang anak.

Apat na taon din ang ipinaghintay ng mag-asawang LJ at Jimmy bago sila biniyayaan ng sariling anak.

Talagang meant para sa isa’t isa ang mag-asawa considering na nagkahiwalay sila noong 2008 matapos ang kanilang almost 5 years na relasyon. Pero nagkabalikan ang mga ito nang sila’y magkita sa isang wedding. 

Pagkatapos ng isang taon at tatlong buwang paghihiwalay, sila’y nagpakasal sa Laguna Beach, California na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends

Ganti ni inang kalikasan, panalangin lang ang katapat

Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita mula sa aming mga kamag-anak sa Borongan City, Eastern Samar na unang hinagupit ng bagyong si Ruby. Sabado pa lamang ng umaga ay wala nang kuryente ang buong Samar at kinagabihan ay putol na ang aming komunikasyon sa aming mga kaanak sa Borongan na siya ring hometown ng King of Talk na si Boy Abunda.

Ganunpaman, patuloy kaming umaasa na sana ay nasa mabuti silang kalagayan at wala ni isa man sa kanila ang nasaktan.

Kapag ang inang kalikasan na ang humagupit kahit sinuman sa atin ay walang magagawa kundi ang taimtim na dasal at paghahanda.

Bagyong Ruby nakiayon sa kasalan

Napakasuwerte ng aming inaanak sa kasal na sina Alvin Go at Liz Baylon dahil nakiayon ang panahon sa kanilang beach wedding na ginanap sa napakagandang Aquatico Beach Resort sa Laiya, Batangas last Dec. 6, Saturday late afternoon to early evening kung saan nagsimula nang rumagasa ang bagyong Ruby sa Eastern Samar.

Alam mo, Salve A., isa kami sa kinabahan na hindi matuloy ang beach wedding nina Alvin at Liz dahil sa masamang panahon sa Eastern Visayas. Inisip namin na mababalewala ang matagal na pre­parasyon ng couple at ang mahabang biyahe (more than four hours) ng mga bisita. Pero parang milagro na nakiayon ang magandang panahon sa pagsisimula at pagtatapos ng wedding ceremony at reception at katamtaman lamang ang lamig na nagmumula sa karagatan na sobra ring payapa ng mga oras na `yon.

 

ALMA MORENO

ALVIN GO

AMAZING PRAYBET BENJAMIN

AQUATICO BEACH RESORT

BAGYONG RUBY

BAKLA

BE CAREFUL

BORONGAN CITY

EASTERN SAMAR

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with