^

PSN Showbiz

Nag-wish daw kasi na doon tumama ang bagyo Korina niyari sa social media, dineklara raw persona non grata ng Japan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang daming gullible sa social media. Kahapon ay napeke na naman sila ng isang satire article kung saan sinasabing idineklarang persona non grata si Korina Sanchez matapos raw itong mag-comment na sana ay sa Japan na lang tumama ang bagyong Ruby pagkatapos ng airing ng TV Patrol kamakailan.

Kanya-kanyang share sa Facebook ang ilang active sa social media na hindi binabasa ang article na may title na Japan Declares Korina Sanchez Persona Non Grata na nakapost sa So, What’s News wordpress? Ayon sa website ang : “So, What’s News?  is a satirical & fictional news website. Our aim is to inject humor into everyday news to provide respite to readers who have grown weary with mainstream news organization’s partisan, biased and depressing way of presenting the news.”

Pero ang ilang nakakita sa headline, pinatulan agad at nag-share pa. Kalokah.

Dapat talaga, hindi pinapatulan ang lahat ng nasa social media.

Ang bottomline, mas credible at totoo ang nababasa sa dyaryo.

LGBT hindi na natakot sa Ruby, tumulong sa Pink Festival

Natuloy kahapon ang opening ng Quezon City International Pink Festival na pinangunahan ni QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte. Talagang hindi nagpapigil ang lesbian, gay, bisexual and transsexual (LGBT) sa pagsugod sa Trinoma para panoorin ang mga pelikulang kasali kahit may banta ng bagyo na sa awa ng Diyos ay humina na raw base sa mga balita kahapon.

Thirty five films ang kasali sa QC Pink Film Festival. Walong araw tatagal ang festival kaya sa mga natakot sa bagyo kahapon may chance pa naman kayo.

Ogie isasama sa PBA players

Tuloy-tuloy ang dalang saya ng TV5 bilang Happy Network sa darating na 2015 dahil bukod sa engrandeng pagsalubong sa bagong taon sa darating na New Year countdown na gaganapin live mula sa Quezon City Memorial Circle ay sunod-sunod din ang magbubukas na bagong programa na pang-good vibes at feel-good TV viewing experience.

Kabilang sa mga new program offerings nila ang shows na  Happy Wife, Happy Life na magtatampok sa asawa at ka-partner sa buhay ng mga sikat na PBA players, What’s the Problem na magiging ‘advice center ng bayan’ sa pangunguna ni Gelli De Belen at Atty. Mel Sta. Maria, Healing Ga­ling nina Dra. Edinel Calvario at Dr. Hayden Kho na magbibigay-payo ukol sa mga maaaring lunas sa iba’t ibang karamdaman sa katawan; E5 na maghahatid ng mga pinakamainit at pinakabagong happenings sa mundo ng showbiz; at ang Exteme Challenge: Kaya Mo Ba ‘To? na pangungunahan ni Derek Ramsay kasama ang mga pinag-usapang racers ng The Amazing Race Phi­lippines Season 2.

Mabubusog din ang puso ng buong pamilya sa katatawanang hatid ng Two and ½ Daddies na pagsasamahan sa kauna-unahang pagkakataon sa telebisyon ng magkakapatid na Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari, Mac and Chiz na pagbibidahan ng ‘magsing-guwapo’ at ‘magsing-kisig’ na sina Derek Ramsay at Empoy Marquez, at ang No Harm No Foul tampok si Ogie Alcasid kasama ang naglalakihan at naggagalingang mga PBA players na handa nang tumawid sa mundo ng showbiz.

Kasama rin sa 2015 new offerings ng TV5 ang Call Me Papa Jack ng sikat na radio host at love guru na si Papa Jack, ang kakaibang singing search na Rising Stars, at marami pang iba.

Jinggoy abala pa rin sa paggawa ng bills kahit nasa kulungan

Tuloy pala ang trabaho ni Sen. Jinggoy Estrada matapos tanggalin ang kanyang 90-day preventive suspension ng Sandiganbayan.

Sa natanggap kong e-mail mula sa kanyang opisina, ni-refile ng senador na nakalagak sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder ang limang bills na nakatuon sa iba’t ibang problema ng bayan – mula sa panget na maintenance sa public restrooms hanggang sa protection ng victims ng violence against women and children.

Ayon sa natanggap kong e-mail, ini-introduce ni Jinggoy ang Senate Bill 2476 or the establishment of Address Confidentiality Program for the victims of violence against women and children. “He noted that over a ten period, the number of reported VAW cases has steadily increased – from 218 documented cases in 2004, shooting up to more than 9,000 in 2010 and to 16,517 in 2013.

“Estrada is proposing the adoption of the US government program of address confidentiality for the victims, providing them substitute address for public records which will be helpful for them to start and lead normal lives, safe and far from their abusers,” detalye ng nasabing bill ni Jinggoy.

Isa pang pinu-push nito ay ang Senate Bill 2477 - definition of  the prevalent crime of identity theft sa pamamagitan ng nasabing bill.

Nakasaad sa nasabing bill ang paglaki ng penalties sa offenders.

Hinihiling din niya na magkaroon ng concrete guidelines and minimum requirement for the ope­rations of dormitories and boarding houses. Sa kanyang Senate Bill 2478, nakasaad na dapat ang mga pansamantalang tirahan ng mga estudyante ay maging malinis at maging kaaya-aya ang kapaligiran.

At isa sa gusto niyang mangyari ay ang pagkakaroon ng mga   CCTV ang mga dormitory and boarding house para mabantayan ang mga nakatira doon.

Nag-file din siya ng Senate Bill 2479 which seeks to regulate tattooing and body piercing and prohibition of such acts on minors.

At pinakahuli ay ang Senate Bill 2480 kung saan nakasaad na every private and government institutions to set up functional and sanitary separate comfort rooms for men, ladies and persons with special needs and disabilities.

Nauna na raw itong na-file ni Jinggoy sa 15th Congress at refilled lang dahil hindi nga naging batas.

Isa si Sen. Jinggoy sa may pinakamaraming na-file ng bills na naging batas. At sa kasalukuyang 16th Congress, nagkapag-file pala siya ng 569 bills and resolutions.

At least nasa kulungan man siya, hindi naman pala napapabayaan ni Sen. Jinggoy ang kanyang trabaho.

Kesa nga naman ma-torture sa pag-iisip sa loob ng Custodial Center, tulad din ni Sen. Bong Revilla, pakinabangan na lang nila ang kanilang oras.

             

vuukle comment

ADDRESS CONFIDENTIALITY PROGRAM

AMAZING RACE PHI

BILL

CUSTODIAL CENTER

DEREK RAMSAY

JINGGOY

SENATE BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with