^

PSN Showbiz

Metro Manila lumuwag ang traffic dahil sa Ruby

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Dalawang araw nang maluwag ang traffic situation sa Metro Manila dahil sa Typhoon Ruby. Hindi lumabas ng bahay ang mga tao at hindi sila nag-shopping para sa kanilang mga Christmas gift dahil pinaghahandaan nila ang pagdating ng Typhoon Ruby na inaasahan na magdaraan bukas sa Metro Manila bago lumabas sa Philippine area of responsibility.

Malaking aral ang natutunan ng lahat sa Typhoon Yolanda na nanalanta sa bayan natin noong November 2013. Naging alerto at handa ang mga Pinoy sa pagdating ng Typhoon Ruby. Hindi nagkulang sa mga paalaala at weather advisory ang lahat ng mga television network at radio station sa lugar na kinaroroonan ng bagyo at mga pag-iingat o paghahanda na dapat gawin.

Nakalulungkot ang pinsala na iniwan ng Typhoon Yolanda pero nag-iwan ito ng malaking aral sa ating lahat na magagamit natin sa habang panahon dahil tiyak na masusundan pa ang mga super typhoon na epekto ng climate change na kagagawan din ng mga tao na hindi minahal at inalagaan ang mga natural na kalikasan. 

‘Heart ipinaramdam sa akin ang kanyang pagmamahal, singsing na kumikinang natanggap ko na’

Ipinaramdam sa akin ni Heart Evangelista ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng kumikinang na singsing na Christmas gift niya sa akin. Natanggap ko ang singsing noong Sabado nang magkita kami ni Heart sa studio ng Startalk.

Isinuot ko agad ang singsing na lalong nagpakinang sa pagkatao ko at nagpasigla sa mood ko. Maraming-maraming salamat kay Heart na malapit nang mag-babu sa Pilipinas dahil pupunta na siya sa Amerika para sa fitting ng wedding gown niya na creation ni Monique Lhuillier.

Aktres nagka-career nang ayawan ng isang TV exec

Hindi binibigyan ng project sa isang TV network ang aktres dahil hindi siya feel ng isang TV executive. Masakit man sa kanyang loob, iniwanan ng aktres ang TV network na naging tahanan niya sa matagal na panahon at nagbigay sa kanya ng malaking break sa TV hosting at acting pero nagbago ang sitwasyon nang pumasok sa eksena ang executive.

Napilitan ang aktres na lumipat sa ibang TV station at hindi siya nagkamali ng pasya. Bumongga nang husto ang career ng aktres at nagkaroon siya ng mga product endorsement. Imbes na maging bitter sa TV executive, nagpapasalamat ang aktres at ang pamilya niya.Hindi raw magiging masigla ang takbo ng kanyang career kung hindi dahil sa TV executive na hindi feel ang presence niya sa dating network na kapwa nila pinaglilingkuran.

Apo ni LT showbiz na showbiz na

Parang susundan rin ni Tori Fernandez ang yapak ng kanyang famous lola na si Lorna Tolentino. Three years old pa lang si Tori pero pang-showbiz na ang kanyang mga ikinikilos. Paboritong pakialaman ni Tori ang mga lipstick ni LT, ang original Pictorial Queen.

Hindi ako magugulat kung si Tori ang maging next pictorial queen kapag nagdalaga dahil mahilig siya sa mga make up. At habang lumalaki si Tori, nagiging kamukhang-kamukha na siya ni LT kaya baliw na baliw sa kanya ang lola niya.

Mother Lily ang sipag MAG-promote ng shake

All out si Mother Lily Monteverde sa promo at publicity ng Shake, Rattle & Roll XV, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival 2014. Ganadong-ganado si Mother na i-promote ang Shake, Rattle & Roll XV dahil napanood na niya ang kabuuan ng pelikula. Ang sey ni Mother, hindi siya mapapahiya sa kanyang rekomendasyon na must see movie ang Shake, Rattle & Roll dahil talagang maganda ang tatlong episode na mula sa direksyon nina Dondon Santos, Perci Intalan, at Jerrold Tarog.

 

DAHIL

DONDON SANTOS

HEART EVANGELISTA

METRO MANILA

TYPHOON RUBY

TYPHOON YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with