^

PSN Showbiz

Donita lalayas na uli ng Pinas?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang laki nang ipinayat ni Donita Rose nang abutan namin sa taping ng Basta Every Day Happy kung saan ay isa siya sa mga host. Kung noong unang duma­ting siya rito ay ang laki pa ng katawan niya dahil literal na napabayaan siya sa kusina dahil by profession ay isa siyang chef sa Amerika, ngayon may coach siya na tumututok sa kanyang training. Sinabayan niya pa ng slimming program sa isang beauty clinic kaya ang resulta, mabilis ang pagpayat niya.

Pero ayaw niyang banggitin kung ilan na ang nabawas sa kanyang timbang dahil mabubuking kung ilan ang original weight niya.

Anyway, aminado si Donita na nagkaproblema sila ng asawang si Eric. Dawit ang kanyang pamilya.

Kaya nga nang bumalik siya ng ‘Pinas, nang bigyan siya ng trabaho ng GMA-7 talagang nag-isip siya kung ano ba talaga ang plano nila. Pero bilang isang Christian, na-realize niyang ang asawa ang dapat nagde-decide sa kanilang pamilya.

Kaya kung sasabihin nitong sa Amerika na lang sila, susundin niya kahit maganda ang binalikan niyang trabaho sa bansa.

Kasama niya ang anak nila pero darating ng ‘Pinas ang kanyang mister next week at doon na magkakaalaman kung payag ba itong mag-settle dito sa atin para maituloy ni Donita ang career o sa Amerika na lang sila titira.

Anyway, may birthday celebration si Donita sa Basta Every Day Happy kung saan isa sa mga host, starting Monday until Tuesday (December 8 & 9).

Aapir ang anak niyang si JP at may surprise dance number naman ang mag-inang si Gladys Reyes (na co-host niya sa BEDH) at anak niyang si Kristoff.

May surprises din sa kanya ang iba pang co-host niya sa Basta Every Day Happy na napapanood before Don’t Lose the Money sa GMA-7.

Ogie balik-ASAP, itinanghal pang Elite Circle Platinum Awardee

Makinang at maagang Pamasko ang hatid ng ASAP 19 ngayong Linggo (Disyembre 7) sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Pinoy talent sa pagbibigay pugay kay Ogie Alcasid bilang haligi ng OPM na siya ring tatanghaling ASAP 2014 Elite Circle Platinum Awardee, isang prestihiyosong parangal para sa mga OPM artist na nagkamit ng multi-platinum awards.

Kabilang din sa tumanggap ng 24K at Platinum Awards sina Sarah Geronimo, Karylle, Noel Cabangon, Gloc 9, at Daniel Padilla.

Bukod sa kakaibang kinang ng mga Kapamilya OPM Artists, tiyak na mapupuno ng pag-ibig sa muling pagsasama nina Pops Fernandez at Martin Nievera sa Penthouse Live.

Tuluy-tuloy ang selebrasyon ng musika at pag-ibig sa enggrandeng album launch ni Teen Queen Kathryn Bernardo na susundan naman ng malaking sorpresa mula sa pinakamakinang na loveteams na sina Kim Chiu at Xian Lim, Zaijan Jaranilla at Andrea Brillantes, Nash Aguas at Ella Cruz, Iñigo Pascual at Julia Barretto, Marlo Mortel at Janella Salvador, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Samantala, abangan ang dekalibreng performances at nakakabilib na OPM treat mula kina Bamboo, Erik Santos, Richard Poon, Klarisse De Guzman, Juris Fernandez, Jovit  Baldivino, KZ Tandingan, at ZsaZsa Padilla na susundan ng World Class spectacle mula sa musical hit na Chicago.

Walang tigil ang pasabog sa back-to-back birthday celebrations ni Yeng Constantino at Angeline Quinto.

Makisayaw sa pinakapaboritong dance moves sa makapigil-hiningang ASAP Supahdance Showdance mula kina Enchong Dee, Rayver Cruz, Shaina Magdayao, John Prats, Nikki Gil, Sam Concepcion, Nhickzy, Bugoy Cariño, at Gerald Anderson. Humanda at maki-sing-along  sa ASAP Karaokey with Luis Manzano at Alex Gonzaga.

Huwag palampasin ang longest-running at award-winning variety show ng sambayanan, ASAP 19, ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali sa ABS-CBN.

Mangungulelat sa MMFF, binabantayan din!

Kung hinihintay kung aling pelikula ang magiging number 1 sa gaganaping Metro Manila Film Festival this year, pinag-pupustahan na rin ang mangungulelat

Sey ng isang showbiz observer,  dalawa ang hula niya na maglalaban sa pangwalo.

Ang mga kulelat daw ang binabantayan niya dahil naaawa siya sa gastos at effort ng producer kaya apela niya, sana nga kahit mangulelat, ‘wag naman sanang mag-first day-last day sa mga sinehan.

Kasama sa walong pelikulang kasali ang My Big Bossing, Praybeyt Benjamin 2, Feng Shui 2, Kubot: The Aswang Chronicles, Bonifacio: Ang Unang Pangulo, English Only. Please, Shake, Rattle and Roll XV, at Magnum Muslim .357.                                                               

ALEX GONZAGA

AMERIKA

BASTA EVERY DAY HAPPY

DANIEL PADILLA

DONITA

ELITE CIRCLE PLATINUM AWARDEE

KUNG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with