Coaches puwede nang mang-steal
MANILA, Philippines - Unti-unti nang malalagasan ang bawat team sa pagsisimula ng battle rounds ng top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines, ngunit magpapatuloy pa rin ang labanan ng apat na coaches sa kanilang pag-aagawan ng artists mula sa isa’t isa sa pamamagitan ng kapangyarihan nilang mang- ‘steal.’
Sa battles ngayong weekend (Dec 6 at 7), pipili sina coach Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga ng dalawang artists na maglalaban at kakanta ng isang awit, at ang pipiliing magwagi ng kanilang coach ang siyang magpapatuloy sa susunod na bahagi ng kumpetisyon – ang knockouts.
Ang matatalong artist kada battle ay maaari namang agawin ng ibang coach para mapunta sa kanyang team kung sa tingin niya’y karapat-dapat itong manatili. Sa pagkakataong may dalawa o higit pang coaches na gustong kunin ang artist, ang artist ang pipili ng coach o team na gusto niyang lipatan. Dalawang artists lang ang maaaring i-‘steal’ ng bawat coach sa kabuuan ng battle rounds.
Ngayong Sabado (Dec 6), maglalaban-laban ang boses nina Bradley Holmes at Jason Fernandez ng Team Apl (I Would Do Anything for Love), Daniel Ombao at Jason James Dy ng Team Sarah (On Bended Knee), Rita Martinez at Suy Galvez ng Team Bamboo (Tainted Love), at Philippe Go at Timmy Pavino ng Team Lea (Forevermore).
Limang maiiinit na tapatan naman ang hatid ng programa sa Linggo (Dec 7) kung saan maghaharap sa Team Sarah sina Kokoi Baldo vs Elmerjun Hilario (To Be With You) at Shaira Opsimar vs Monique Lualhati (Lady Marmalade), sa Team Apl sina Mark Avila vs Mark Cando (This I Promise You), sa Team Lea sina Humfrey Nicasio vs Leah Patricio (Forever), at sa Team Bamboo sina Ramonne Rodriguez vs Lougee Basabas (To Love Somebody).
Huwag palampasin ang simula ng battle rounds sa top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines ngayong Sabado (Dec 6), 8:45PM at Linggo (Dec 7), 8:30 PM sa ABS-CBN.
- Latest